Sey mo Arjo...AlDub fans naglabas din ng ebidensya sa pagde-date nina Alden at Maine | Bandera

Sey mo Arjo…AlDub fans naglabas din ng ebidensya sa pagde-date nina Alden at Maine

Jun Nardo - October 24, 2018 - 12:30 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

TIT for tat ang ganti ng Alden Richards-Maine Mendoza fanatics sa lumabas na picture nina Meng at Arjo Atayde na nagkasamang muli sa isang lugar sa BGC, Taguig City nitong nakaraang mga araw.

Inilabas naman ng Mai-Chard lovers ang picture ng kanilang idolo na naispatan din sa isang hotel sa Pasay City na para sa Pambansang Bae ay “safe zone” nilang dalawa.

Second time nang naispatan sina Meng at Arjo na nagdi-date raw. Inalmahan ito ng ilang fanatics ng AlDub loveteam. Pero chill lang ang young actor sa pamba-bash sa kanya.

Dumepensa naman ang loyalists ni Meng na single naman daw siya’t matalino kaya alam niya ang kanyang ginagawa.

Siyempre para sa AlDub followers, gusto nilang para sa isa’t isa lang ang kanilang mga iniidolo.

Para sa amin, hayaan nating makakilala naman ng ibang taga-showbiz sina Alden at Maine. Hindi naman pwedeng forever silang nakatali sa loveteam nila.

Sa history ng loveteams sa showbiz, even the best and hottest loveteam na tinangkilik ng publiko eh, hindi nagkakaroon ng forever sa career at sa personal nilang buhay. Ito ang kadalasang general rule at iilang loveteams lang ang exceptions.

Kung sa bandang huli eh, magkatuluyan sina Alden at Maine, well and good but at this point, hayaan muna nating mag-grow ang isa’t isa hindi lang sa career nila kungdi maging sa personal nilang mga buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending