Abueva proud na maging karelasyon si Vice; pero may pangamba ang madlang pipol
Palaging nakikitang magkasama ngayon ang sikat na komedyante-TV host na si Vice Ganda at ang pambatong player ng Phoenix na si Calvin Abueva. Kahit gaano ka-busy sa kanyang trabaho si Vice ay gumagawa siya ng paraang makapanood ng laro ng sinasabing karelasyon niyang basketball player ngayon.
At mukhang game naman si Abueva sa mga kuwentong sila na nga ni Vice ngayon. Hindi ito nahihiyang makitang kasama ang sikat na komedyante-TV host, parang ipinagmamalaki pa nga ng bruskong basketbolista na meron na silang espesyal na pagtitinginan ngayon ni Vice, hindi tulad nu’n na sige-sige sa pagdedenay ang kilalang basketball player na si Terrence Romeo tungkol sa kanila ng komedyante.
Kuwento ng isang source sa amin, “Ganu’n talaga si Vice, kapag hindi mo siya ikinahihiya, mas ipagmamalaki ka niya. Mas mamahalin ka niya, mas aalagaan ka, dahil hindi ka nahihiyang ma-link ang pangalan mo sa kanya.”
Maraming nagtatanungan kung bakit si Calvin Abueva ang nagustuhan ni Vice samantalang napakaraming guwapong basketball players na puwede niyang bigyan ng atensiyon.
Isang miron ang nagsabi, “Hindi kaya gamitin lang ni Abueva ang lola n’yo? Natural, alam ni Calvin kung gaano kayaman si Vice, kaya wala siyang pakialam sa kahit anong sasabihin ng iba tungkol sa kanila?”
‘Yun na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.