Hamon ni Darren kay JK: Prove it...Para malaman n'yo kung sino ang totoong bakla! | Bandera

Hamon ni Darren kay JK: Prove it…Para malaman n’yo kung sino ang totoong bakla!

Ervin Santiago - October 23, 2018 - 09:09 AM

GALIT na galit si Darren Espanto sa lantarang pagtawag sa kanya ni JK Labajo ng “bakla” sa pamamagitan ng social media. Magka-batch sa The Voice Kids noong 2014 ang dalawa.

Nagkapalitan ng maaanghang na salita sa Twitter ang mga bagets sa kabila ng pagdedenay ni JK na sa kanya nanggaling ang tweet na, “@Espanto2001 gayness at its finest.”

Ayon kay JK hindi sa kanya nanggaling ang malisyosong at posibleng na-hack daw ang kanyang Twitter account. Pero nanindigan si Darren na hindi siya naniniwala na na-hack ang account ng kawpa singer.

Ipinost ni Darren ang screen shot ng tweet ni JK noong 19 na may mensaheng, “Timing ‘no? Dinelete ng ‘hacker’ mo yung tweet na ‘to after kang kausapin ng management. Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong BAKLA. @KarlosLabajo.”

Rumesbak naman si JK kay Darren, galit na galit din ito dahil ibinandera pa raw ang isyu nila sa publiko sa kabila ng pag-uusap nila sa pamamagitan ng private messages. Ipinost din ni JK ang screen shot ng palitan nila ng mensahe sa pagitan nila ni Darren.

Ayon sa young singer-actor, “Just so you know hindi ako yun. ask MCA (Music) if you dont believe me. Someone else is using my twitter account.

“So you better tell your fans and/or family to calm the f*** down because the last thing i f****** want is to be accused of something i didnt f****** do. cheers!” paliwanag pa ni Juan Karlos.

Pero ang paniniwala ni Darren, madali nang malaman ngayon kung na-hack talaga ang isang Twitter account. Hamon nito kay JK, “Prove it and man up! I am just here and ready to show the world who the real GAY one is.”

Na matapang namang sinagot ni JK ng, “Orayt. Rakrakan na to. Put**g i**a pagod na ko.” Burado na ang tweet na ito ng binata kasabay ng mahabang mensahe para sa lahat ng bashers at ng kanyang fans.

“Grabe man yun yung mahirap dito sa pinas. porket nagmumura eto na ganyan na. dapat wag lang din masyado magmalinis. kung iisipin lang walang malinis sa ating lahat. dami kong nakilala na pumupunta sa simbahan linggo linggo pero sila ang pinaka maduming mga taong nakilala ko.

“Alam ko pagkakamaling ginawa ko kasi i was explaining myself out of anger. pasensiya na sa mga taong nasaktan sa mga salitang nabitawan ko.

“And di ko lang kayang gawin ay humingi ng patawad sa mga bagay na hindi ko ginawa. mamatay man lahat ng tao na mahal ko at nagmamahal sakin per once and for all, hindi ako ang nag tweet nun at hindi siya ang pinaguusapan namin sa pbb dati. yun lang yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Para sa mga taong nagmamahal sakin mga solid kayo kayo ang nagpapadaloy sa dugo ko. mahal ko kayo. para naman sa mga haters kayo nagpapadugo sa utak ko hahaha.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending