Maine, Alden nag-reunion sa ‘2018 Aldub Homecoming’; ADN buhay na buhay pa rin | Bandera

Maine, Alden nag-reunion sa ‘2018 Aldub Homecoming’; ADN buhay na buhay pa rin

Jun Nardo |October 23,2018
facebook
share this

Maine, Alden nag-reunion sa ‘2018 Aldub Homecoming’; ADN buhay na buhay pa rin

Jun Nardo - October 23, 2018 - 12:30 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

NAGKABUHUL-BUHOL ang traffic sa paligid ng SM Mall of Asia last Sunday dahil sa pagsugod ng AlDub Nation para sa “ALDUB Homecoming 2018” bilang selebrasyon ng loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ayon sa mga tweet ng mga dumalo sa selebrasyon, nakikibahagi sa game sa stage si Alden nang dumating si Meng. Halos maiyak ang ADN sa presence ng kanilang mga idolo.

Naglutangan ang iba’t ibang videos sa social media at nakuhanan pa si Alden na inaayos ang manggas ng damit ni Maine habang nakaupo sila, huh! Inalala rin ng fandom ang ilang ganap sa AlDub loveteam sa isang big screen bilang bahagi ng event.

Kinantahan ng Pambansang Bae ng single niyang “I Will Be Here” ang mga dumalo at damang-dama nila ang mensahe ng kanta.

Ilan pa sa naging bahagi ng selebrasyon ay ang pag-present kina Alden at Meng ng ADN Scholars at ang announcement ng next batch ng recipient ng kanilang scholarship drive at grantees ng financial assistance.

Pangako ng ADN, hanggang nariyan sina Alden at Yaya Dub (unang tawag kay Maine), mananatiling matibay at matatag ang kanilang grupo at walang puwedeng mangwasak sa pagmamahal nila sa kanilang mga idolo na nagsisilbing inspirasyon sa kanilang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending