Bangayan nina PDEA chief Aquino at Customs chief Lapeña binabantayan ni Du30 | Bandera

Bangayan nina PDEA chief Aquino at Customs chief Lapeña binabantayan ni Du30

Bella Cariaso - October 22, 2018 - 03:42 PM

SINABI ng Palasyo na binabantayan ni Pangulon Duterte ang bangayan sa pagitan nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino at Bureau of Customs Commmissioner Isidro Lapeña kaugnay ng P6.8 bilyong shabu na nakalusot sa BOC.

“Mino-monitor lahat iyan ni Presidente,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panel sa isang pahayag.

Ito’y sa harap naman ng paninindigan ni Aquino na may lamang shabu ang mga natagpuang apat na walang lamang magnetic filter sa Cavite.

“Pero sa ngayon ang tingin ko diyan kung ako ang tatanungin, hindi na mahalaga kung sino sa kanila ang tama sa kanilang mga sinasabi. Ang mahalaga ngayon, assuming na may nakapasok at nagkalat, eh dapat gumawa tayo ng mga pagkilos upang masawata natin, mahuli natin, ma-raid natin iyong mga lugar kung saan nagtatago o itinago itong mga shabung ito,” dagdag ni Panelo.

Iginiit naman ni Panelo na dapat ay magpakita ng ebidensiya si Aquino kaugnay ng alegasyon.

“But you know, iyong sinasabi, iyan ay assuming na nalusutan nga. Ang sinasabi nga ni Presidente— Ay kailangan may hard evidence tayo. Hindi pupwede iyong nag-e-speculate ka lang.
Idinagdag ni Panelo na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

“At may tiwala naman siya doon sa dalawa. So, hintayin natin iniimbestigahan ngayon ng NBI,” ayon pa kay Panelo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending