BINABANTAYAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang isang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Maliit pa umano ang tyansa na pumasok ng PAR ang bagyo na may international name na Yutu pero posibleng magbago ang direksyon nito kaya binabantayan ng PAGASA.
Ngayong araw, ito ay nasa layong 3,375 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Samantala, inaantabayanan ng PAGASA ang pagpasok ng Hanging Amihan na magpapalamig sa temperatura ng bansa.
Binabantayan ng PAGASA ang mga senyales ng Hanging Amihan na magmumula sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.