Mocha pinagtripan si Grace Poe; ipagdarasal ni Susan na multuhin ni FPJ | Bandera

Mocha pinagtripan si Grace Poe; ipagdarasal ni Susan na multuhin ni FPJ

Ronnie Carrasco III |October 22,2018
facebook
share this

Mocha pinagtripan si Grace Poe; ipagdarasal ni Susan na multuhin ni FPJ

Ronnie Carrasco III - October 22, 2018 - 12:15 AM

NAG-iimbita ng away ang tinuran ni Mocha Uson sa kanyang official Facebook page tungkol kina Sen. Bam Aquino at Sen. Grace Poe who she calls Epal King and Epal Queen, respectively.
Tapos na kasi si Mocha kay Kris Aquino, ang pinsan naman nitong mambabatas ang napili niyang pagtripan. Ang nananahimik ding si Poe ay idinamay niya in her “royal reference.”
Naiimadyin na namin ang kampo lalung-lalo na ng senadora, totally clueless kung saan nanggagaling ang pang-ookray ng isang nagmamagaling na nilalang na meron din naman palang political agenda (after filing her COC).
Isa na siyempre sa mga unang nabuwisit ay ang ina ni Poe, si Ms. Susan Roces na sa kanyang pagka-sweet na sweet na imahe ay makikitaan mo ng mapaklang reaksiyon.
At kung kilala namin ang biyuda ni Fernando Poe Jr., ipapanalangin nitong sana’y multuhin nito si Mocha bago pa man sumapit ang Araw ng mga Patay.
Juice ko, ano naman kasi ang tinatarang-tarang ni Mocha tungkol sa dalawang senador na ito sa halip na atupagin niyang mangalap ng mga “bobotante” niya sa araw ng eleksiyon?
Her FB page should contain what she can do bilang kinatawan ng kanyang party list.
Ineng, bili ka kaya muna ng utak kahit tingi lang? Try mo lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending