Renta sa bahay tumaas din | Bandera

Renta sa bahay tumaas din

Leifbilly Begas - October 21, 2018 - 02:39 PM

TUMAAS maging ang renta sa bahay noong Setyembre dahil ipinasa sa mga rumerenta ang Value Added Tax alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

Ayon kay House committee on housing and urban development vice chair Rep. Michael Romero mismong datos na ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang nagsabi na nakadagdag ang renta sa bahay ng 0.40 porsyento sa kabuuang 6.7 porsyentong inflation noong Setyembre.

Sinabi ni Romero na hindi lahat ng rumerenta ng bahay ay dapat singilin ng VAT ng may-ari. Sa ilalim ng TRAIN ang mga mas mababa sa P15,000 ang upa kada buwan ay exempted sa VAT.

Ayon sa solon dapat ay magtrabaho ang Bureau of Internal Revenue at Housing and Urban Development Coordinating Council upang masiguro na walang landlord na umaabuso at ginagamit ang VAT upang makapaningil ng mas malaki.

Maaari rin umanong makipag-ugnayan ang mga ahensyang ito sa mga lokal na pamahalaan upang mas maging epektibo ang pagbabantay.

“HUDCC and DILG can formulate implementing rules and regulations on the deputization and details on how LGUs can prevent, detect and take action against abusive lessors and landlords,” saad ng solon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending