Regine nakiusap, tigilan ang pamba-bash kay Ogie: Wala naman siyang kasalanan!

OGIE ALCASID AT REGINE VELASQUEZ

INASAHAN na ni Regine Velasquez-Alcasid na sa kanyang pagbabalik-Kapamilya ay marami rin ang hindi magiging masaya at aakusahan siya ng kung anu-ano.

“Ganu’n naman talaga. For as long as na malinis ang kunsensya mo at disente naman tayo na mapanindigan ang mga desisyon natin, keri lang yan,” bahagi ng sagot ng Songbird nang humarap siya sa media during the bonggang welcome presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN management.

Nauunawaan din niya ang mga nagtatampo o nagagalit sa pag-alis niya sa GMA pero bilang isang propesyonal artist, “Gagawin ko na lang kung ano ang dapat. Sa tingin ko kasi mayroon pa naman akong maio-offer,” dagdag pa ng Songbird.

Kasabay ito ng pakiusap niya na huwag na raw sisihin at i-bash ang asawang si Ogie Alcasid sa kanyang paglipat dahil desisyon niya ito at naging instrumento lang ang aming kumpare.

Isa sa dahilan ni Regine kaya nagdesisyon din siyang magbalik-Kapamilya ay dahil gusto niyang makatrabaho ang mga ABS-CBN stars mula kina Daniel Padilla, Jericho Rosales, Sam Milby, Luis Manzano at Piolo Pascual, hanggang kina Robin Padilla at Aga Muhlach, pati na kina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Angeline Quinto, Morisette at marami pang iba.

Agad-agad na sasalang sa isang sitcom si Regine kasama sina Ian Veneracion at asawang si Ogie. Magiging judge rin siya sa singing competition na Idol Philippines, ang Pinoy version ng American Idol. At lahat ng ito ay first time na gagawin ni Regine sa TV.

Sa ABS-CBN siya nagsimula after manalo sa Bagong Kampeon. Naikuwento pa niyang “tambay” siya ng mga programang Teen Pan Alley, Ryan Ryan Musikahan at marami pang iba during the start of her career when she was barely 17.

Welcome back Kapamilya!

Read More:

Hunk actor ibinuking ang kabaklaan kay female TV host

Si Gerald na ang gustong maging asawa ni Bea

 

 

Read more...