Maine napalapit na kay Marian: Sobrang totoo lang kami sa isa’t-isa!

MAINE MENDOZA AT MARIAN RIVERA

CASTING coup na matatawag ang pagsasama nina Marian Rivera at Maine Mendoza bilang endorsers ng produktong Maxi-PeelZero.

Umaapaw ang ganda ng dalawang reyna ng kanilang henerasyon nang humarap sila sa bloggers at ilang press last Friday night.

Mas senior sa showbiz si Yan kumpara kay Meng. Pero may sari-sarili na silang pangalan pero ang hindi alam ng mga tao, malapit sila sa isa’t isa na hindi lang nila isinasapubliko.

“Opo! Pag off camera, nag-uusap kami sa mga bagay na sa tingin ko eh kailangan ng advice. Lalo na someone from showbiz dahil naiintindihan niya.

“Isa siya sa nagsisilbing inspirasyon sa akin kaya kapag nagkita kami chika-chika talaga! Nakakatuwa. Hindi ko ini-expect na magiging ganoon ang relationship namin,” rason ng Phenomenal Star.

“Sobrang totoo lang kami sa isa’t isa! Ang nakakatuwa, hindi sugar coated ang pakikitungo niya. Straight forward talaga like kung ano ang dapat kong gawin. Sobrang appreciated talaga. Gusto naman natin talaga ng honest na tao!” sabi pa niya.

Hindi rin nakasentro lang sa lovelife ang advice ng GMA Primetime Queen sa kanya kungdi tungkol sa life in general.

“Sinasabi niya sa akin, just enjoy everything! Kasi minsan ka lang mapupunta sa posisyon na ‘yan. Minsan ka lang magiging bata so kung anuman ang dumating sa ‘yo, kung ano ang ibigay sa ‘yo ni Lord, kung sinumang tao ang pumasok sa buhay mo, enjoy mo!” paliwanag ni Maine.

Ang enjoyment sa trabaho ay ramdam na ramdam kay Maine nu’ng umere na ang pilot episode nang unang sitcom na Daddy’s Gurl last week.

“Ay, sobra, sobra!” aniya. “Masaya rin po sa set kasi magaan ang aura ng katrabaho ko! Saka hindi siya mahirap. Natural lang!” dagdag pa ni Maine.

“Natatawa nga rin ako nu’ng mapanood ko. Feeling ko normal. I don’t see myself as Maine Mendoza!” sabi pa ng Dubsmash Queen.

Maging sa shooting ng 2018 MMFF movie niya with Coco Martin and Vic Sotto na “Jack Em Popoy” ay super nag-enjoy si Maine. Kahit daw mahihirap ang mga eksena nila ay kering-keri lang dahil napakasaya raw sa set nila.

“Ang bait ni Coco. Very down to earth at sobrang gentleman!” deklara pa ni Meng tungkol sa aktor.

Ngayon pa lang ay abangers na ang milyun-milyong supporters ni Maine pati na ang fans nina Coco at Bossing sa kanilang filmfest entry. Kaya nangangamoy box-office na para sa darating na Christmas ng TV host-actress-social media influencer.

 

Read More: 

Katrina, Megan walang angal kahit sugatan sa bugbugan

Bitoy, Jessica, Kyline, Gabby, Miguel winner sa Asian Academy Awards; ‘The Clash’ wagi rin

Read more...