CLAUDINE: Alam naman niyang birthday ni SABINA! Ipinaalam ko sa kanya at sa pamilya niya! | Bandera

CLAUDINE: Alam naman niyang birthday ni SABINA! Ipinaalam ko sa kanya at sa pamilya niya!

Ervin Santiago - July 08, 2013 - 06:00 AM

HINDI nagpakita si Raymart Santiago sa birthday party ng adopted daughter nila ni Claudine Barretto na si Sabina. Nag-celebrate ng kanyang ikasiyam na kaarawan ang bagets kamakailan pero tanging ang ina lang nito ang naroon at ang ilang imbitadong bisita.

Isang spa party ang ibinigay ni Claudine sa kanyang anak noong July 6 na dinaluhan ng mga kaibigan ni Sabina at ng ilan nilang mga kamag-anak, pero walang Raymart Santiago na dumating.

Isang litrato na kuha sa nasabing party ang ipinost ni Claudine sa Instagram na may caption na, “Happy 9th Birthday Sabina! We love u.”

Bago pa maganap ang nasabing selebrasyon ay nainterbyu si Claudine sa ABS-CBN, dito nga niya ikinuwento ang magaganap na party ng anak, “Nagpe-prepare na ako. Puspusan na ang pagpe-prepare.

“Actually mga one week pa lang ako nakakapag-prepare. I’m very excited. I’m very, very excited. Dapat yung party niya was last Saturday, kaya lang hindi natuloy kasi nga nagkasakit ako, so yun,” ani Claudine na matagal-tagal ding nanahimik tungkol sa kanyang personal na buhay.

Actually, ito ang kauna-unahang panayam ng aktres sa TV matapos mabalitang naghiwalay na sila ni Raymart. Kasabay nito, sinabi pa ng aktres na wala siyang idea kung bakit hindi dumating sa party ng kanilang anak ang dating asawa.

Ani Claudine, sinabihan naman daw niya ang aktor at iba pa nilang kapamilya tungkol sa party. Sabi pa ni Claudine sa  nasabing TV interview, “Wala siya. Alam niyang may party.

Siguro naman alam niya. Alam niya naman na birthday ng anak niya. Ipinaalam ko sa kanya at saka sa pamilya niya.”
Samantala, sinabi ni Claudine na naghahanda na siya para sa pagbabalik niya sa pelikula, maaaring gumawa siya ng dalawang pelikula para sa Viva Films at Star Cinema.

“Hindi ko alam kung ano ang mauuna doon, magmi-meeting pa lang kami. Magmi-meet palang kami hopefully this week, and doon ko malalaman.”

“So now, finally, sa lahat ng mga Claudinians, malapit na malapit na po. Magpapakundisyon lang, dahil medyo maraming pinagdaanan, pero eto na. Eto na rin. Malapit na malapit na,” pahayag pa ni Claudine.

Napapanood pa rin si Raymart Santiago sa GMA series na Home Sweet Home bago mag-24 Oras kasama sina Roxanne Guinoo at Jillian Ward. In fairness, maganda pa rin ang laban ng nasabing serye sa ratings game sa kabila ng mga isyung kinasasangkutan ni Raymart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending