Empoy napiling ambassador ng Japan tourism dahil sa Kita-kita
PAGKATAPOS nina Yeng Constantino, Enrique Gil at Liza Soberano ay si Empoy Marquez naman ang kinuhang ambassador ng turismo ng Japan.
Nitong Setyembre ay nag-shoot si Empoy sa iba’t ibang probinsya ng Japan para sa tourism campaign ng bansa at nitong Okt. 17 ay isa ang aktor sa special guest sa pagbubukas ng tourism office sa Pilipinas mula sa imbitasyon ni Japan National Tourism Organization President, Satoshi Seino sa partisipasyon ni DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat.
Dahil sa “Kita Kita” na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo (na kinunan sa Japan) ay nakilala nang husto si Empoy lalo’t naunang ipinalabas ang pelikula sa nakaraang 12th Osaka Asian Film Festival noong Marso, 2017 bago ito ipinalabas sa Pilipinas.
Marami ang humanga sa ganda ng Sapporo, Japan kaya dumami ang turistang gustong makita ang nasabing lugar lalo na ang mga Pinoy.
Sa ngayon, regular na napapanood si Empoy sa sitcom na Home Sweetie Home at under negosasyon naman ang bago niyang pelikula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.