Bro Eddie tatakbong kongresista | Bandera

Bro Eddie tatakbong kongresista

Leifbilly Begas |October 18,2018
facebook
share this

Bro Eddie tatakbong kongresista

Leifbilly Begas - October 18, 2018 - 02:53 PM

SI Jesus Is Lord leader Bro Eddie Villanueva ang first nominee ng CIBAC partylist.
Si Villanueva, ama ni Sen. Joel Villanueva, ang papalit kay CIBAC Rep. Sherwin Tugna na ngayon ay nasa ikatlo at huling termino na.
Ang CIBAC Party-List ay isang multi-sectoral organization na lumalaban sa katiwalian sa gobyerno.
“Sa loob ng siyam na taon ng ating panunungkulan, hindi nagpatinag ang CIBAC Party-List sa pagtutulak ng mga panukalang batas na nakatuon sa pagsusulong ng mabuting pamamahala. Dahil ito sa ating paniniwala na kapag ang pondo ng bayan ay hindi nananakaw at nagagamit nang tama, diretso ito na maibibigay sa ating mga mamamayan, giginhawa ang buhay ng lahat,” ani Tugna.
Sinabi naman ni Villanueva na ipagpapatuloy nito ang hangarin ng grupo na makapaglingkod sa gobyerno.
“Ipaglalaban natin ang tamang paggugol sa buwis ng bayan upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino,” ani Villanueva.
Ngayong 17th Congress, nakapaghain si Tugna ng 131 panukala at resolusyon. Sa mga ito 11 ang naging batas.
Kasama ni Villanueva bilang nominee sina Domingo Rivera, Atty. Lyndon Caña, Atty. Armi Jane Borje at Stanley Clyde Flores. Noong 12th Congress unang umupo ang CIBAC sa Kamara de Representantes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending