P10 minimum fare epektibo na sa Nobyembre | Bandera

P10 minimum fare epektibo na sa Nobyembre

Leifbilly Begas - October 17, 2018 - 06:27 PM

 

EPEKTIBO na sa Nobyembre ang minimum na pasahe na sa pampasaherong jeepney ay P10 na. 

Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang desisyon nito na nagtataas ng P1 sa P9 na minimum na pasahe.

“…. the Board hereby resolves, as it hereby resolves to GRANT the Petition for a fare increase,” saad ng desisyon.

Noong Hulyo 6, 2018 ay pinayagan ng LTFRB ang P1 provisional increase sa minimum na pasahe. Ang P1 ito ay ginawa ng permanente ng LTFRB at dinagdagan pa ng P1.

Saklaw ng P10 minimum fare ang unang apat na kilometro ng biyahe.
Hindi naman pinagbigyan ng LTFRB ang hiling ng mga transport group na dagdagan ng P1 o P2 ang pasahe sa bawat kilometro pagkatapos ng apat na kilometrong minimum.

“Accordingly, the Technical Division is directed to prepare the corresponding Fare Matrix, reflecting therein the new or adjusted fare for the first four kilometers and the succeeding kilometers,” saad ng desisyon.

Ang desisyon ay magiging epektibo makalipas ang 15 araw matapos itong mailathala sa pahayagan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending