Dating DJ nagtagumpay sa negosyo; lucky charm ang turing sa mga celebrity endorser

By Ervin Santiago October 17,2018
share this

Dating DJ nagtagumpay sa negosyo; lucky charm ang turing sa mga celebrity endorser

By Ervin Santiago October 17,2018
share this


Dating DJ nagtagumpay sa negosyo; lucky charm ang turing sa mga celebrity endorser
IBANG klase ring mag-alaga ng kanyang celebrity endorsers at business partners ang artistahin ding may-ari ng BeauteDerm na si Rei Tan na dating DJ sa isang sikat na radio station.

Yan ang isa sa mga sikreto ni Rei sa matagumpay niyang negosyo na patuloy pa ring lumalago ngayon dahil talagang hands on siya sa pagpapatakbo nito. Hindi lang kasi basta endorser ang turing niya sa kanyang mga celebrity ambassadors, pamilya na rin ang tingin niya sa mga ito.

Siyempre, una na riyan ang itinuturing na lucky charm ng BeauteDerm na si Sylvia Sanchez na mula nang maging endorser ng kanyang beauty products ay mas lalo pang dumami ang kanilang customers at dealers.
Si Ibyang ang isa sa mga mukha ng BeauteDerm na talaga namang nirerespeto at hinahangaan ngayon sa entertainment industry dahil sa pagiging versatile actress.

Sabi nga ni Rei, “Kahit po marami tayong kaibigang celebrities, isa po akong fan talaga ni Ms. Sylvia Sanchez, doon po tayo mag-umpisa.

“Dati rin po akong taga-media, nakita ko po siya at napakatagal na niyang artista, napaka-versatile po niya, mapabida o kontrabida ay kayang-kaya po niya at napakabait at napakasipag na nanay,” aniya pa.

“Noong si Ate Sylvia na (endorser), nakilala na kami nang husto sa mainstream, nadagdagan ang market kasi sa showbiz, kaunti lang ang market ko na nag-e-endorse,” aniya pa.

Bukod kay Ibyang, nandiyan din ang anak niyang si Arjo Atayde na endorser naman ng The Origin Series perfume, “Perfect si Arjo for these products, kasi ang market po ng Origin perfume ay different personalities and different scents. Si Arjo kasi, ang embodiment ng versatility.

“Kaya niyang maging sweet, kaya niyang maging kontrabida na kinaiinisan ng lahat ng tao, puwede siyang maging lawyer at maging heartthrob, at pogi pa, matalino, smart,” papuri ni Rei sa binata.

Ang ilan pa sa itinuturing na kapamilya at “business partners” ni Rei ay sina Carlo Aquino, Matt Evans, Shyr Valdez, Alma Concepcion, Darla at ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.
Game na game lagi ang mga ito kapag may events sila kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Rei dahil mababait at puro professional ang kanyang mga endorsers. Kamakailan lang ay full force ang mga ito nang buksan ang ika-41 branch ng Beautefy by Beautederm sa Ali Mall, Cubao.

Samantala, todo rin ang pagsuporta ni Rei sa blockbuster movie ni Carlo Aquino na “Exes Baggage” kung saan nakatambal ng binata si Angelica Panganiban. Sa katunayan, nagpa-block screening pa ang BeauteDerm CEO at President bilang suporta kay Carlo bukod pa sa pagbibigay ng billboards para sa promo ng “Exes Baggage”.

Ibinalita rin ni Rei na umabot na rin sa ibang bansa ang kanilang mga produkto kasabay ng pagdami ng branches ng kanyang BeautéHaus Nail and Skin Clinic.
– EAS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending