St. Benilde Blazers, JRU Heavy Bombers magsasalpukan
Mga Laro Martes (Oct. 16)
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. St. Benilde vs JRU
4 p.m. Arellano vs Mapua
Team Standings: San Beda* (15-1); Lyceum* (15-2); Letran* (13-4); Perpetual Help (11-6); St. Benilde (8-8); Arellano (5-11); San Sebastian (5-12); Mapua (5-12); EAC (4-14); JRU (3-14)
* – semifinalist
HINDI na kasama sa labanan sa Final Four, susubukan ng College of St. Benilde Blazers na tapusin ang kampanya sa elimination round sa pagwawagi sa nalalabing dalawang laro kabilang ang laro ngayon kontra Jose Rizal University Heavy Bombers sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.
Hindi nakaporma ang Blazers sa Lyceum of the Philippines University Pirates, 77-64, noong Huwebes para malasap nila ang ikawalong pagkatalo sa 16 laro at tuluyang maglaho ang tsansa sa Final Four.
Makakaharap ng St. Benilde ang JRU, na may 3-14 kartada, dakong alas-2 ng hapon bago sagupain ang Letran sa susunod na linggo.
Samantala, magsasalpukan ang Arellano University Chiefs (5-11) at Mapua University Cardinals (5-12) sa isa pang non-bearing game ganap na alas-4 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.