Vice Ganda may bago raw karelasyong PBA player: Bakit ano ang pruweba n'yo? | Bandera

Vice Ganda may bago raw karelasyong PBA player: Bakit ano ang pruweba n’yo?

Cristy Fermin |October 15,2018
facebook
share this

Vice Ganda may bago raw karelasyong PBA player: Bakit ano ang pruweba n’yo?

Cristy Fermin - October 15, 2018 - 12:15 AM

SA dinami-dami ng nagguguwapuhang personalidad ay talaga yatang mas malakas ang kaway ng mga basketbolista kay Vice Ganda. Ang unang nadikit sa kanyang pangalan ay si Terrence Romeo, ngayon naman ay itinutukso siya kay Calvin Abueva, dating pambatong player ng Alaska na nagwala-walaan pero nang muling sumulpot ay nasa Phoenix na.
Pinanonood talaga ng sikat na komedyante ang mga laro ng Phoenix, sinusuportahan niya si Calvin na ayon kay Vice ay kumpare niya, dahil inaanak niya sa binyag ang anak nito.
Sinabi rin ni Ryan Bang na kung mommy ang tawag nito kay Vice ay daddy naman kay Calvin, buking ang komedyanteng nagpapahele-hele pa tungkol sa pag-uugnay sa kanila ng basketbolista, pero halatado namang kinikilig siya.
Sa isang episode ng It’s Showtime na nasilip namin ay humihingi siya ng ebidensiya sa kanyang mga co-hosts tungkol sa pagli-link sa kanila ni Abueva. Sabi ni Vice, “Bakit, ano ang pruweba n’yo?”
Sagot agad ni Vhong Navarro, “Ah, naghahanap ka ng pruweba? Di ba, magkatunog ‘yung pruweba, saka ‘yung ano?” Hindi na naituloy ng komedyante ang kanyang sasabihin.
Ipinagtulakan na ito ni Vice Ganda, hinabol pa nga, kaya lalong nabuo sa isip ng manonood na sila na ni Calvin Abueva.
Kung makinis ang itsura ni Terrence Romeo ay parang madungis naman si Calvin Abueva, pero pareho silang magaling na basketball player.
Pang-basketball talaga ang puso ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending