Sa edad na 46, Osang ibang-iba na: Alisin na natin ang negative! | Bandera

Sa edad na 46, Osang ibang-iba na: Alisin na natin ang negative!

Ronnie Carrasco III |October 15,2018
facebook
share this

Sa edad na 46, Osang ibang-iba na: Alisin na natin ang negative!

Ronnie Carrasco III - October 15, 2018 - 12:15 AM

SA sobrang bilis ng panahon ay hindi namin namalayang nasa liyebo kuwarenta na pala ngayon si Rosanna Roces.
Bumilang din nang ilang taon ang pagkakataong nakatrabaho namin ang dating pambato ng Seiko Films sa larangan ng walang-kaartehang paghuhubad on the big screen bilang co-host nina Boy Abunda at Lolit Solis sa Startalk.
Past her 20s lang noon si Osang whose potential in TV hosting didn’t escape GMA’s notice. Alaga na siya noon ni Lolit.
At a time when Startalk couldn’t rise about its single-digit rating over its rival program on ABS-CBN, it was to Osang’s credit na napigilan ang desisyon ng GMA management na huwag sibakin sa ere ang Startalk.
Admittedly, si Osang ang dahilan kung bakit somehow ay pumik-ap ang ratings ng nasabing showbiz-oriented show after Kris Aquino and later Dawn Zulueta.
Kami ang writer sa likod ng segment ni Osang along with her interviews of note. Buhay kasi ang segment kapag si Osang ang bumabangka. Nagustuhan kasi ng tao—sa aming palagay—ang pagiging diretso niya although may “panganib” itong dulot kadalasan.
Nagtapos din ang pagho-host ni Osang. Alinman sa dalawang ito ang nauna: inireklamo siya ng pamilya ng kayayao pa lang noon na si Rico Yan based on her unscripted spiels; nagkaroon ng isyu sa pagitan nila ni Lolit.
But it was smooth working relationship while it lasted. Already out of Startalk, marami nang nabalitaan tungkol kay Osang, mostly negative. Idagdag pa rito ang “napabayaan” na niyang pigura na noo’y puhunan niya sa larangan ng paghuhubad.
Kuwarenta’y sais anyos na pala si Osang (born in May), pero katawan lang ang medyo nagbago sa kanya, never her face na maganda pa rin. Pero ang higit na mas maganda sa kanya ngayon is her outlook in life.
Aniya, “Alisin na ‘yung negatib.” And we’re truly happy for her.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending