Litrato ni Pia sa loob ng CR nag-viral, may ‘multo’ raw

By Bandera October 14,2018
share this

Litrato ni Pia sa loob ng CR nag-viral, may ‘multo’ raw

By Bandera October 14,2018
share this

PIA WURTZBACH

Nag-viral ang isang litrato ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa Instagram na pinaniniwalaang kuha sa bathroom ng kwarto sa isang hotel.

Makikita sa IG photo si Pia na nasa loob nga ng CR, suot pa ang kanyang golden gown mula sa ABS-CBN Ball at may subong kutsara. May caption ang litrato na, “Midnight snacking after the ball. #throwbackthursday.”

May ilang netizens ang nagkomento na hindi raw masyadong “wholesome” ang photo ni Pia dahil may nakita ang kanyang followers sa salamin ng CR. Isang netizen ang nag-post ng screenshot ng litrato kasama ang naka-zoom in na bahagi nito na sinasabing may pagkabastos.

Kung titingnan n’yo kasing mabuti ang larawan, parang may isang lalaking nakatayo sa likod ng tila kurtina habang may hawak na “something”. Nilagyan ito ng malisya ng mga netizens at ikinonek sa subo-subong kutsara ni Pia. May “multo” raw pala sa CR ng hotel.

Sey ni @shulamite_woman, “Ganda ni Miss P. Kaya lang ano ‘yung nasa kurtina? Hahahahaha!”
Komento naman ni @farrah694u, “Eng shereeeppp nung neke teyo sa likod na mey hewek ng metebeng midnight sneck!”

Sabi naman ni @adenipoap19, “Wag na wag niyong sasabihin joke yan hahaha totoo yan oh ayun oh! hahahaha!”

“Baka bote lng po ng wine? Dumi ng isip!” chika naman ni @victorialuisa16.

Agad namang nagpaliwanag ni Pia at nagsabing, “Relax guys! Ang dami dami namin sa room. It takes a village to do my glam and I also need their help to take these all off. Haha!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending