Sylvia nakuha ang bonggang pelikula na inalok kay Maricel | Bandera

Sylvia nakuha ang bonggang pelikula na inalok kay Maricel

Reggee Bonoan - October 14, 2018 - 12:20 AM

SYLVIA SANCHEZ AT MARICEL SORIANO

KAUSAP namin si Sylvia Sanchez kamakalawa ng hapon habang nasa Bangkok, Thailand siya para sa isang business meeting.

Pero bago siya umalis ng bansa ay dumalo muna siya ng presscon kasama si Nonie Buencamino sa Cebu City para sa pelikulang “When Sadness Lingers” nitong Huwebes nang umaga at bumalik din kinagabihan ng Manila para sa kanyang early flight to Bangkok.

Ayon sa aktres ay sa Cebu ang entire shooting nila dahil tagaroon ang direktor at producer na first time gagawa ng movie sa Pilipinas. Dalawa raw ang direktor nila sa movie, “Isang British at isang Pinoy. Hindi ko pa nakuha ang mga pangalan.”

“Akala ko nga hindi na ito matutuloy kasi ang tagal ng negosasyon kasi may iba silang aktres na gusto, e, hindi kaya ng schedule kaya ako ang inirekomenda,” kuwento sa amin ni Ibyang.

Ang unang napili ng producer ay walang iba kundi ang premyadong aktres na si Maricel Soriano na hindi kakayaning mag-stay ng 10 araw sa Cebu dahil abala siya sa taping ng seryeng The General’s Daughter mula sa Dreamscape Entertainment.

At dahil hindi pumuwede ang Diamond Star kaya si Sylvia ang inirekomenda mismo ng manager ni Marya na si Veanna Forres at binanggit nga nito sa producer na kayang-kayang gawin ni Ibyang ang lead character sa movie.

Grabe ang saya ni Sylvia habang kausap namin, na ilang beses kaming tinawagan dahil hindi malinaw ang linya. Talagang excited niyang ikinuwento ang bago niyang proyekto.

“Sobrang saya ko talaga Regs, imagine si Maricel ‘yun! Hay, speechless ako. Ha-hahaha!” masayang tinig ni Ibyang sa kabilang linya.

Gagampanan ng aktres ang karakter na may sakit na Schizophrenia at si Nonie nga ang magiging asawa niya na kakaiba rin ang karakter.

Ibang-iba raw ang role niya sa seryeng The Greatest Love na may Alzheimer’s kaya isang matinding challenge na naman ito para kay Ibyang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Simula sa Lunes, Okt. 16 hanggang Okt. 26 ang shooting ng aktres para sa nasabing proyekto, “Locked in din kami sa Cebu para sa buong duration ng shooting.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending