‘Hindi kami papayag na si Mocha ang maging boses ng ordinaryong tao!’
SA paglabas ng kolum na ito—two days after the still-ongoing COC (certificate of candidacy) filing began—malamang nakapag-file na si Mocha Uson ng kanyang candidacy.
If so, tama lang ang basa (reading) ng madlang pipol nang ianunsiyo niya ang kanyang pagbibitiw bilang PCOO ASec. May eklat pa kasi si Mocha na isasakripisyo na lang niya ang kanyang sarili kesa ipitin ang budget ng nasabing tanggapan.
Most people (baka nga may mga DDS pa, for all we know) expressed cynicism sa eklat na ‘yon gayong hindi naman kawalan si Mocha sa alinmang sangay ng gobyerno. And there you have it, ang kanyang resignation pala’y paghahanda sa kanyang mataas na ambisyon.
October 8 nang ipahayag ni Mocha na, “Oo, tatakbo po ako” considering herself as “boses ng ordinaryong tao.” Her sweeping statement—sorry to say—doesn’t hold water. Kabilang kami sa mga ordinaryong taong tinutukoy niya, pero never naming gugustuhing siya ang kumatawan sa amin.
Boboto rin lang kami—as we religiously do—ay bakit siya pa ang iboboto namin? Pagmemenos na kung pagmemenos nang matatawag sa kanyang kakayahan, to begin, meron ba?
Sapat na ang katotohanan na sa dalawang puwestong hinawakan ni Mocha—una, sa MTRCB; sumunod ay sa PCOO—she was an underperformer who dismally failed to deliver what the public expected of her.
Nag-uumapaw tuloy ang pang-ookray sa comment section below the news item tungkol sa kasado nang pagtakbo ni Mocha sa 2019 elections.
Paano ‘yan, tablado siya kay Sen. Koko Pimentel na wari’y diring-diri na mapabilang siya sa circle of 12 senatorial bets ng administrasyon?
Pero hayaan n’yo na. Mocha has the right to run for whatever elective post she so wishes dahil ang tanong naman du’n ay: mananalo ba?
Eh, kung si Presidential Spokesperson Harry Roque nga who—in fairness—ay magaling pero sablay sa kanyang paniniwala’t paninindigan ay sopla kay Pangulong Digong, si Mocha pa kaya who screwed her past job?
At maalala lang namin, kumusta na nga pala ang pagkuha ni Mocha ng kursong Law? Natigil ba ang pag-aaral niya? Her schooling is unheard of, pumasa naman kaya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.