Alden nagpapatayo na ng ika-3 resto sa Cavite | Bandera

Alden nagpapatayo na ng ika-3 resto sa Cavite

Jun Nardo - October 13, 2018 - 12:10 AM

ALDEN RICHARDS

PINANGUNAHAN ni Alden Richards ang ground-breaking ng bagong branch ng kanyang resto na Concha’s Garden na itatayo sa Tagaytay Road, Silang, Cavite City nu’ng Huwebes.

Sa Instagram post ni Kapuso star, may picture si Alden na may hawak na pala at safety helmet habang nasa harap ng itatayong branch.

Bale ito ang magsisilbing third branch ng resto na unang itinayo sa Tagaytay at sa Quezon City..
Nagpaalam muna ang Pambansang Bae sa taping niya sa Victor Magtanggol para personal na asikasuhin ang ground-breaking ng bagong business. Kahit abala sa trabaho, hands on talaga siya sa mga negosyong pinasok kaya naman patuloy pa itong lumalago.

Para naman sa mga mahilig maglaro sa kanilang mga cellphone, nasa gaming world na rin ang Victor Magtanggol app (para sa iOS at Android devices) kaya kahit nasaan kayo, pwede n’yo nang makasama si VM.

Incidentally, mamayang gabi na ang kulitan time with Vic Sotto, Wally Bayola at Maine Mendoza dahil mapapanood na ang kanilang sitcom na Daddy’s Gurl sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending