Love life ng gay official tinabla in the name of public service

By Den Macaranas October 12,2018
share this

Love life ng gay official tinabla in the name of public service

By Den Macaranas October 12,2018
share this

INIWAN na ng isang bagong opisyal ng gobyerno ang kanyang boyfriend dahil sa magiging isyu pa ito sa kanyang bagong tungkulin.

Sikat sa industriyang pinagmulan pero ito ay kanyang iniwan dahil sa suportang ibinibigay para kay Pangulong Duterte.

Makulay ang buhay ng ating bida na kilala bilang isa sa may malalim na pananaw sa pamamahala kahit nung siya ay wala pa sa government service.

Pero muntik nang gumuho ang kanyang dating career nang iwan niya ang kanyang misis kapalit ng pagkakaroon ng bagong boyfriend.

Kaliwa’t kanang batikos ang kanyang
inabot kahit alam naman ng mga nakakakilala sa kanya ang pagkakaroon niya ng pusong babae.

Ngayon ay ibang persona ang kanyang ipinakikita bilang direktor ng isang kilalang ahensiya ng pamahalaan.

Buo ang kanyang loob sa public service at nakikita ito ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Mula sa marangyang mga sasakyan ngayon ay mga ordinaryong AUV na lamang ang kanyang ginagamit bilang pagsunod sa austerity measure ng pamahalaan.

At para hindi siya maintriga sa kanyang bagong career sa gobyerno ay hiniwalayan na niya ang kanyang boyfriend na ilang taon na rin niyang kasama.

May ilang tao raw kasi ang gustong gamitin ang isyu ng kanyang pagiging bakla para sirain ang kanyang reputasyon.

Sinabi ng ating Cricket na hindi niya ito hahayaang makasira sa kanyang mga proyekto kaya nagpasya na lang ang ating bida na isakri-pisyo muna ang lovelife sa ngalan ng public service.

Hindi ito biro sabi ng ating Cricket dahil seryoso si Sir sa kanyang pinasok na career sa gobyerno na maging halimbawa ng maayos na pamamahala.

Ang personalidad na isinakripisyo ang pag-ibig para sa paglilingkod sa bayan ay si Mr. A…as Aura.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending