Litrato ni John Lloyd sa loob ng jeep viral na

By Bandera October 11,2018
share this

Litrato ni John Lloyd sa loob ng jeep viral na

By Bandera October 11,2018
share this

JOHN LLOYD CRUZ

VIRAL sa social media ang litrato ni John Lloyd Cruz na nakunan habang nasa loob ng pampasaherong jeep.

Sa Twitter post ng isang netizen (@norminapauline), sinabi nitong nakasabay niya si John Lloyd sa biyahe ng jeep papuntang UP Ikot sa Quezon City. Aniya, “Yung nakasabay mo si John Lloyd Cruz sa Ikot. (huhu ang pogi pa rin).”

Makikita sa litratong ipinost ng netizen si Lloydie na naka-T-shirt at shorts lang at naka-shades.

Ayon sa mga netizens, kitang-kita sa ngiti ng aktor ang kaligayahan sa pinili niyang simpleng buhay kasama ang partner na si Ellen Adarna.

Mula nang magdesisyon si John Lloyd na iwan na ang showbiz, ilang beses na siyang nakikita sa mga pampublikong lugar. Kamakailan lang ay nakunan siya ng litrato habang bumibili ng prutas at kumakain ng balut sa isang sidewalk.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending