Horoscope, October 11, 2018

By Madam Sophia October 11,2018
share this

Horoscope, October 11, 2018

By Madam Sophia October 11,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Sa araw na ito may sopresang matatanggap, na ikagalak ng iyong puso. Sa pag-ibig, anuman ang gawing desisyon isa alang-alang ang kinabukasan ng pamilya upang hindi ka mamali ng pasya. Sa pinansyal, malaking halaga ng salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 40 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala.” Red at green ang buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Hindi dapat magpa-impluwensiya sa gusto ng iba. Ipatupad ang sarili desisyon. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa minamahal. Sa pinansiyal, pagkakataon mo ng sumugal sa mga produktong may kaugnayan sa grocery at butil. Mapalad ang 5, 14, 18, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Pink at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa pinansyal mas malaking halaga ang kikitain kung matututong mag-meditate. Sa pag-ibig, unang araw ngayon ng sang linggo, kaya mas mainam kung yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Om-Obre-Om.” Lilac at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Umpisahan ng magtipid. Malapit na ang pasko. Wag bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marami ka na palang savings. Mapalad ang 8, 15, 23, 28, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Navy blue at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa pag-ibig, hindi dapat pahalagahan ang pisikal na anyo, sundin ang tinitibok ng puso. Sa pinansiyal, aangat ang graph ng pag-unlad habang nag-aamoy simoy pasko na ang kapaligiran. Mapalad ang 5, 8, 23, 36, 45 at 47. Mahiwag mong mantra: “Rama-Krishna-Krishna-Krishna.” White at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag paki-alaman ang buhay ng iba. Ang sariling buhay ang atupagin upang umunlad ang kabuhayan. Sapag-ibig, hindi dapat mainggit sa kaligayahan ng iba, maaari mo ring paligayahin ang iyong sarili kapag marami ka ng pera. Mapalad ang 4, 9 19, 27, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin”. Purple at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Wag puro plano na hindi naman natutupad. Ang mas mahalaga ay mag-materialize ang iyong ideya upang ikaw ay yumaman. Sa pag-ibig, ayain ang kasuyo na mag-negosyo na may kaugnayan sa produktong pang-pasko. Mapalad ang 3, 15, 25, 30, 42 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum”. Magenta at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Malapit na ang pasko! Ngayon pa lang mamili na ng mga pang-regalo. Sa ganyang paraan, malaki ang matitipid mo. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 5, 15, 24, 32, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Pad-Meh-Om.” Green at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ngayon pa lang pag handaan na ang nalalapit na kaarawan! Mag-ipon para may pam-blow-out sa mga nangangantiyaw. Sa pag-ibig, mamayang hapon uwian ang kasuyo ng isang pagkaing – malamig, matamis at madaling matunaw. Mapalad ang 9, 12, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag patulan ang isang kasamahanng atribida, sisirain lang nya ang araw mo! Mag-concentrate sa ginagawa, wag ng masyadong makipagdaldalan pa. Sa pag-ibig, sa kasuyo ikuwento ang lahat ng sama ng loob, mauunawaan ka nya. Mapalad ng 1, 11, 16, 25, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Yellow at Purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Negosyong may kaugnayan sa butil at mga kalakal na pang agrikultura ang magpapayaman sa iyo. Ipatupad mo na ngayon. Sa pag-ibig, kapag maunlad ka na at maraming pera, kusa ka na ring liligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 34, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Krishna.” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pinansiyal, ngayon iplano na agad kung paano mapapaligaya ang pamilya sa nalalapit na kapaskuhan. Sa pag-ibig hangga’t hindi ka nakakatagpo ng isang Libra malabo kang lumigaya. Mapalad ang 7, 16, 25, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Panahon na upang humingi ng tulong sa iba. Isang kasamahan sa trabaho na isinilang sa zodiac sign na Cancer ang tutulong sa iyo. Sa pinansiyal, isang kaibigang Virgo ang mag-aabot ng malaking halaga. Mapalad ang 1, 23, 26, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending