12.2 milyon pamilyang Pinoy naniniwalang sila ay poor, ayon sa SWS | Bandera

12.2 milyon pamilyang Pinoy naniniwalang sila ay poor, ayon sa SWS

Leifbilly Begas - October 10, 2018 - 01:43 PM

NADAGDAGAN ng halos 1 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap, ayon sa survey ng Social Weather Station.

Sa survey na isinagawa mula Setyembre 15-23, sinabi ng 52 porsyento o 12.2 milyong pamilya na sila ay mahirap.

Mas mataas ito ng apat na puntos sa 48 porsyento o 11.1 milyong pamilya na nagsabi na sila ay poor sa survey noong Hunyo.

Ito na ang ikalawang sunod na pagtaas ng bilang ng mga nagsabi na sila ay mahirap. Ang una ay noong Marso kung saan 42 porsyento ang nagsabi na sila ay mahirap.

Ang naitala sa survey noong Setyembre ang pinakamataas mula noong Disyembre 2014 na naitala sa 52 porsyento.

Sa 52 porsyento, 38.6 porsyento ang nanatiling mahirap, 6.2 porsyento ang naging mahirap sa nakaraang limang taon, at 7.5 porsyento ang bagong mahirap o naghirap lamang sa nakaraang apat na taon.

Ang mga hindi naman mahirap ay 48 porsyento. Sa bilang na ito 24.5 porsyento ang hindi naranasan na maging mahirap, 12.8 porsyento ang hindi na mahirap sa nakaraang limang taon at 10.4 porsyento ang hindi na mahirap sa nakaraang apat na taon.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,500 respondent. Mayroon itong error of margin na plus/minus tatlong porsyento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending