POLL: Kung ikaw ang mananalo sa Ultra Lotto, ano ang gagawin mo sa P1B plus?
Record breaking ang P1B jackpot prize ng Ultra Lotto sa draw nito noong nakaraang Huwebes. At siyempre ilang milyong piso pa ang itataas nito sa bola sa Biyernes.
Dahil diyan inaashan na dadagsain pa rin ng mamamayan ang mga lotto outlets at magbabakasakali na sila ang makapag-uwi ng mahigit P1 bilyon jackpot. At nagtanong-tanong kami kung sakaling sila ang swertehing manalo ng painakamalaking jackpot sa kasaysayan ng lotto sa bansa, ano kaya ang kanilang mga gagawin.
Kung ikaw ang mananalo ng P1B sa 6/58 ultra lotto draw mamayang gabi, anong una mong gagawin bukod sa magpasalamat sa Diyos? @inquirerdotnet @inquirer_libre @dzIQ990
— Bandera (@banderainquirer) October 9, 2018
52% ang nagsasabing aalis sila sa Pilipinas sakaling manalo.
28% naman ang bumoto na mag-dodonate ng utak sa wala
11% ang ipagagamot si Pangulong Duterte
9% naman ang magpapaparty sa isang linggo.
Sey ng isang netizen naman ay magbibigay siya ng balato sa mga kamag-anak at mag-dodonate sa simbahan. Kaso nga lang…
Bibigyan ko Ang aking mga kamag-anak at mag donate sa simbahan , at Yung matitira eh negosyo para Naman may napuntahan Ang pera , kaso hindi ako Ng tataya Kasi Hindi ako marunong tumaya 😚
— THE BOX OFFICE QUEEN 👸 (@Ginaflor_pablo) October 9, 2018
Ang dami namang gustong tulungan ni @MaamSyj
Tutulong sa mga kamag-anak , katrabaho, at ka-syudad.
— Ma’amSyj🇵🇭 (@MaamSyj) October 9, 2018
Schools at pagdodonate sa Marawi ang gusto ng isa pa.
Papatayo ko ng school, hospital, magbabalato ako sa lahat ng affected ng Marawi Siege. https://t.co/TiTpinlfgn
— Juli8lmo (@qwertyemja) October 9, 2018
Ikaw anong gagawin mo sa P1B?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.