Patakaran sa sahod para sa holiday ng 2019, inilabas
NAGLABAS ng advisory ang labor department na nagtatakda sa tamang pasahod na magiging gabay ng mga employer sa pribadong sektor kung paano ang tamang pagkuwenta sa sahod ng kanilang mga manggagawa kung ang mga ito ay magtatrabaho sa mga idineklarang holiday para sa 2019.
Nakasaad sa Labor Advisory No. 15, series of 2018, ang pagkukuwenta at tamang pasahod para sa 12regular holiday at siyam na special (non-working) day sa taong 2019, na idineklara ni Presidente Rodrigo Duterte sa ilalim ng Proclamation No. 555, series of 2018.
Regular holiday ang Bagong Taon (Enero 1), Araw ng Kagitingan (Abril 9), Huwebes Santo (Abril 18), Biyernes Santo (Abril 19), Araw ng Paggawa (Mayo 1), Araw ng Kalayaan (Hunyo 12), Araw ng mga Bayani (Agosto 26), Araw ni Bonifacio (Nobyembre 30), Pasko (Disyembre 25), at Araw ni Rizal (Disyembre 30).
Kabilang din sa ginugunita ang Muslim holiday tulad ng Eidul Fitr o ang pagdiriwang sa pagtatapos ng Ramadhan at Eidul Adha o ang pagdiriwang ng ‘Feast of Sacrifice, kung saan ilalabas ang proklamasyon kapag natukoy na ang tiyak na petsa ng Islamic Holiday ayon sa Islamic calendar (Hijra) o ang lunar calendar, o ayon sa Islamic astronomical calculation.
Para sa mga nasabing holiday, ang tamang pasahod para sa pagtatrabaho sa nasabing araw ay 200percent ng sahod ng empleyado para sa unang walong oras o [(Basic wage + COLA) x 200 percent]; samantalang para sa trabahong ginampanan na higit sa walong oras (overtime), karagdagang 30 percent sa orasang sahod ng empleyado, o [(Hourly rate of the basic wage x 200% x 130% x number of hours worked)] ang dapat ibigay.
Samantala, ang trabahong ginampanan para sa mga nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayara ng karagdagang 30 percent ng kanyang arawang sahod na 200 percent, o [(Basic wage + COLA) x 200%] + [30% (Basic wage x 200%)]; samantalang ang trabahong ginampanan na higit sa walong oras (overtime), babayaran ang empleyado ng karagdagang 30 percent ng kanyang orasang sahod, o [(Hourly Rate of the basic wage x 200% x 130% x 130% x number of hours worked)].
Kung hindi nagtrabaho ang empleyado sa mga nasabing araw, babayaran siya ng 100 percent ng kanyang arawang sahod, o [(Basic wage + COLA) x 100%].
Kasama sa listahan ng special (non-working) days, ang Chinese New Year (Pebrero 5), EDSA People Power Revolution (Pebrero 25), Sabado de Gloria (Abril 20), Ninoy Aquino Day (Agosto 21), Araw ng mga Santo (Nobyembre 1), Feast of the Immaculate Conception of Mary (Disyembre ??, at Huling Araw ng Taon (Disyembre 31).
Dinagdag bilang special (non-working) day ang Nobyembre 2 at Disyembre 24, na ayon sa Proklamasyon ng Malacañang ay ginawa para mas tumibay ang samahan ng pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang oras upang gunitain ang Araw ng mga Patay, Araw ng Mga Santo at pagdiriwang ng Pasko; gayundin upang palakasin ang turismo.
Ang patakaran sa pagbibigay ng sahod para sa ginampanang trabaho sa mga nasabing holiday, babayaran ang empleyado ng karagdagang 30 percent ng kanilang arawang sahod para sa unang walong oras, o [(Basic Wage x 130%) + COLA]; samantalang para sa ginampanang trabaho na higit sa walong oras (overtime), tatanggap ang empleyado ng karagdagang 30 percent ng kanyang orasang sahod, o [(Hourly Rate of the basic wage x 130% x 130% x number of hours worked)].
Para sa mga trabahong ginampanan sa mga nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, babayaran siya ng karagdagang 50 percent ng kanyang arawang sahod para sa unang walong oras, o [(Basic wage x 150%) + COLA]; samantalang para sa trabahong ginampanan na higit sa walong oras (overtime), babayaran ang empleyado ng karagdagang 30 percent ng kanyang orasang kita, o [(Hourly Rate of the basic wage x 150% x 130% x number of hours worked)].
Kung hindi nagtrabaho ang empleyado, ang patakaran na ‘no work, no pay’ ang ipatutupad maliban na lamang kung may polisiya ang kompanya, o nakasaad sa collective bargaining agreement (CBA) na bayaran sila sa nasabing Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.