Kris Bernal napaiyak sa presscon ng seryeng ‘Asawa Ko, Karibal Ko’ | Bandera

Kris Bernal napaiyak sa presscon ng seryeng ‘Asawa Ko, Karibal Ko’

Bandera - October 10, 2018 - 12:20 AM

KRIS BERNAL

NAPAIYAK ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa presscon ng bago niyang afternoon series sa GMA na Asawa Ko, Karibal Ko.

Natanong ang dalaga tungkol sa bagong challenge na hinarap niya sa nasabing serye at dito nga siya napaiyak habang inaalala ang mga nakaraan niyang proyekto sa Kapuso Network.

“Yung Impostora kasi, napagod talaga ako kasi dalawa ‘yung ginawa ko na role doon, na thankful ako sa GMA kasi ang ganda ng mga proyekto na binigay niyo sa akin.

“Sobrang hirap ng Impostora pero alam kong nakatulong sa akin bilang artista, ito ngayon may bago na naman akong show so thank you talaga kasi proud ako sa konseptong ito,” pahayag ni Kris.

At dito nga sa Asawa Ko Karibal Ko, ibang hamon na naman ang ibinigay sa kanya ng GMA kung saan gaganap siya bilang isang babaeng magiging karibal sa isang lalaki ang dati niyang asawa na gagampanan nina Jason Abalos at Rayver Cruz.

Sa kuwento, palalabasing namatay ang asawa ni Kris na si Jason. Pero sa kanyang pagbabalik isa na siyang transwoman matapos magparetoke na gagampanan naman ni Thea Tolentino.

Sey ni Kris, “Mabigat siya talaga, sa totoo lang sanay na ako sa drama.

“Sanay na akong pinapaiyak pero ito yung nahirapan din talaga ako kasi hindi ko ma-imagine na asawa ko, yun nga…may tinatagong ibang identity na hindi ko naman na-experience sa totoong buhay,” chika pa ng aktres.

Isa pa sa mga nagpaluha kay Kris sa presscon ng bagong Kapuso serye ay nang pasalamatan niya ang istasyon sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng magagandang proyekto, “Lahat naman po ng nabibigay sa aking project talagang very thankful ako. Minsan naiisip ko hindi ko deserve ‘yung ganitong show.

“Again, salamat po ulit at ipinagkatiwala niyo sa akin itong Asawa Ko, Karibal Ko,” aniya pa.

Makakasama rin sa seryeng ito sina Matthias Rhoads, Lotlot de Leon, Annalyn Barro, Caprice Cayetano, Maricris Garcia, Jean Saburit, Ricardo Cepeda, Phil Noble at marami pang iba. Ito’y sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ito sa Oct. 22 mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.
pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending