Bagong K-drama ni Seo In Guk umarangkada | Bandera

Bagong K-drama ni Seo In Guk umarangkada

Bandera |October 10,2018
facebook
share this

Bagong K-drama ni Seo In Guk umarangkada

Bandera - October 10, 2018 - 12:15 AM

SEO IN GUK , JUNG SO AT JANG HYUK

KOREAN word of the day: “Jal jayo” – nangangahuugan ito ng “sleep well” o “good night.”

Umarangkada na ang twisted romantic K-Drama ng nagbabalik na si Seo In Guk, ang The Smile Has Left Your Eyes.

Bago pa man magsimula ang mystery melodrama na ito naging kontrobersyal na ito sa K-drama fans, dahil sa twisted at shocking trailer nito.

Marami ang naintriga sa kakaibang love story sa pagitan ng karakter na si Kim Moo Young, na gagampanan ni In Guk at ni Yoo Jin Gang na gagampanan naman ni Jung So Min.

The Smile Has Left Your Eyes ay isang remake ng isangJapanese drama, kung saan unang beses na magsasama ang melodrama master director na si Yoo Jae Won at ang sensitive writer na si Song Hye Jin.

Ito rin ang unang drama na pagbibidahan ni In Guk after two years matapos naman ang pagpasok sa mandatory military service, bagamat na-exempt siya dahil sa kanyang karamdaman.

Sobrang ikinatuwa ng fans ang muli niyang pagbabalik, lalo na’t muli siyang gaganap bilang isang dangerous man, na may mabuti namang kalooban.

Jang Hyuk, from boxer to police officer sa ‘Bad Papa’

Muli na namang masisilayan ang galing ni Jang Hyuk sa martial arts sa Korean action TV series na Bad Papa.

Una siyang nakilala sa martial arts comedy film na “Volcano High,” kung saan nakasama niya si Shin Min-Ah. Umani siya ng mga papuri rito, kaya’t nasundan pa ito ng maraming pelikula at drama series.

Mas minahal pa siya ng kanyang fans nang bumida sa isang Taiwanese romantic remake na Fated To Love You bilang si Lee Gun, isang tagapagmana ng malaking kumpanya, na na-in love sa isang simpleng secretary kung saan mas naipamalas niya ang cute, at funny side niya.

Nagsimula na ang Bad Papa kung saan gumaganap si Jang Hyuk bilang si Yoo Ji Chul, isang former legendary boxing champion, na naging ama at pinili na lang magtrabaho bilang police officer.

Bagama’t stable ang kanyang trabaho hindi ito naging sapat upang suportahan ang kan-yang pamilya.

Ipakikita ng karakter ni Yoo Ji Chul kung gaano naging mahirap ang buhay nila matapos niyang mawalan ng career sa pagba-boxing, at kung paano siya makakabalik sa kanyang pangarap sa tulong ng isang miracle drug trial.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hango ang Bad Papa sa isang Korean TV Series na “Rebel: The Thief Who Stole the People,” na pinagbibidahan ni Yoon Kyun-Sang, o mas nakilala sa Doctors bilang si surgeon Jung Yoon Do.
– Louise Ariola

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending