Aga umamin: Takot na takot akong gumawa uli ng love story | Bandera

Aga umamin: Takot na takot akong gumawa uli ng love story

Reggee Bonoan |October 09,2018
facebook
share this

Aga umamin: Takot na takot akong gumawa uli ng love story

Reggee Bonoan - October 09, 2018 - 12:05 AM

BEA ALONZO AT AGA MUHLACH

INAMIN ni Aga Muhlach kahapon sa media day ng pelikulang “First Love” na takot na takot siyang gumawa uli ng love story dahil feeling niya hindi na ito bagay sa kanya.

Ang huling ginawa niyang love story ay ang “In The Name Of Love” pa kasama si Angel Locsin taong 2011. Sabi ni Aga, “It’s like seven years ago, so parang ano, nanganganay na ako.” Family movie ang last ni Aga, ang “Seven Sundays”.

“Kasi parang there was no challenge anymore, every year I would get offers and offers like (I said) this is not working, parang okay na rin. Nalulungkot din ako dahil nasa puso ko talaga ang paggawa ng pelikula until ‘Seven Sundays’ happened,” simulang kuwento ni Aga.

“When that was offered to me, a character which I haven’t done and it was a great experience also, it did well, I’m so grateful, and then ito na pumapasok na ang love story, takot na takot na akong hawakan kasi halos lahat nagawa ko na and I was so scared.

“What do I experienced here, my gosh para mabuo namin ito, we never stop, I believe in the cast, I believe in Bea (Alonzo), I believe in Paul (Soriano).

“One day heto na almost a year (negotiation), meron akong fear na baka hindi magustuhan ng tao. Kasi I have so much respect for my viewers who has been with me through the years and kung may ipapakita ako na ganu’n lang para makapagtrabaho lang ako, huwag na lang.

“But when this came along, men and I am so thankful to the Lord and thankful to the people involved for making this happened,” pahayag pa ni Aga.

Nabanggit din ni Direk Paul na maraming beses siyang pabalik-balik sa bahay nina Aga para mag-pitch ng materyal at sa huli ay nagustuhan ng aktor ang kuwento ng “First Love” pero sa isang kundisyon, gusto niyang makapareha si Bea Alonzo na sumakto naman dahil ang aktres din pala ang nasa isip ng direktor para maging leading lady niya.

Kaya naman sa media day kahapon ay ang saya-saya ng cast, mula kina Bea at Aga hanggang kina Edward Barber at Albie Casiño. Ikinuwento nila kung gaano sila nag-enjoy habang sinu-shoot ang “First Love” sa Vancouver, Canada.

Perfect ang chemistry nina Aga at Bea, ayon kay Direk Paul. Pero sabi ng aktor, “Nakita ko (first shooting day) parang ano si Bea, not naman nerbyos kundi naiilang sa akin. I have to tell her first shooting day namin, ‘Bea ikaw ang angkla ko rito, sa ‘yo ako kakapit. Meaning just let me do what I’m gonna do, hayaan mong mahulog ako sa ‘yo dito.

“Tama ako, eh. Kung ano ‘yung nakita ko sa kanya (sa ibang pelikula), nakita ko rito, talagang you’ll become a fan, ‘o my God this girl is crazy, crazy good!

“Ito ‘yung Bea Alonzo sa harapan mo na pag nag-react, pag-nag line ka ng ganito at mali ang balik niya sa ‘yo, mapupunta sa ibang direksyon ang eksena. Meron na akong ramdam, alam ko na kung anong mangyayari dapat doon siya pumupunta talaga, and I think that’s chemistry right away without really talking about it,” aniya pa.

Dagdag naman ni Bea, “Nu’ng sinabi niyang ako ang angkla niya kinakabahan kasi ako, sabi niya, ‘don’t worry ako rin kinakabahan,’ na minsan kasi kapag malaking aktor hindi mo ‘yan maririnig kasi normally may ego, di ba? Siya wala no’n and it made me feel comfortable na parang ‘uy pareho kami’, so mas naging madali para sa akin.”

Tinanong ang aktor kung sakaling binata pa siya ay posibleng maging sila ni Bea, “Oo naman, kami na!” mabilis na sagot ni Aga. Kinilig naman si Bea sabay sabing “Diyos ko naman, oo naman. Hello, ate Charlene (Gonzales). Ha-hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “First Love” sa Okt. 17 nationwide produced by Ten17 Productions, Star Cinema at Viva Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending