Willie mas pinili ang Wowowin kesa tumakbong Mayor ng QC
Julie Bonifacio - October 08, 2018 - 12:14 AM
TULOY na ang pagtakbo ni Quezon City Vice-Mayor Joy Belmonte bilang Mayor ng Kyusi next election. Makaka-tandem niya ang solong anak na lalaki ni Senate President Tito Sotto na si Gian.
Habang si QC Mayor Herbert Bautista naman ay magle-level-up papunta sa Kongreso.
Kilala na rin ni VC Joy ang makakalaban niya for Mayor sa 2019. Pero ayaw na niyang banggitin kung sinu-sino sila. Prior to this, nauna nang nabalita na ilan sa mga makakalaban niya ay sina Willie Revillame at Kris Aquino.
“Si Willie was being courted to run also. Kaya lang, ganoon din. Sinabi ng GMA kung magra-run ka, hindi ka namin pwedeng i-renew kasi bawal mamulitika habang ikaw ay nagho-host. And also, doon sa local government code, meron kasing provision doon na kapag Mayor ka, dapat full time Mayor ka,” esplika niya.
Nakapag-usap na rin daw sila ni Kris at sinabi na hindi sasabak ng politika ang Queen of All Media.
“Nagsabi siya sa akin na meron siyang mga multi-million contracts. She told me na hindi siya pwedeng tumakbo dahil parang may clause na bawal siyang pumasok sa politika,” lahad pa niya.
And speaking of Kris, we asked her kung okey na ba talaga sila ni Kris ngayon. May kumalat din kasi na balitang ipina-ban si Kris sa newspaper na pag-aari ng pamilya nila. Pero itinanggi niya ito.
Wala raw kasi siyang alam sa isyu dahil hindi naman daw siya nakakapagbasa ng dyaryo. Ang nai-scan lang daw niya ‘yung newsfeed na pinapadala sa kanya.
But nonetheless, nag-sorry daw siya kay Kris. Pero ipinaalala niya na ‘wag kalimutan na mag-best friends ang nanay niya at si dating Pangulong Cory Aquino. Kaya ‘wag na lang daw palakihin ang maliit na iysu.
“Later, nag-text naman siya sa akin at sabi ko, ‘Next time Kris, kung may isyu ka naman, hindi mo naman kailangang ipaalam na sa madlang tao, kasi sa ating dalawa na lang. Tutal magkaibigan naman tayo since maliit pa tayo,” aniya pa.
Hindi sure ni VM Joy kung lalapit siya kay Kris para suportahan siya sa kanyang kandidatura.
***
And speaking of Sen. Tito Sotto, magkakasunod ang controversial issues na binabato sa kanya. Una, umani siya ng batikos sa suhestyon niya na palitan ang huling saknong sa Pambansang Awit natin na “Lupang Hinirang.”
Pangalawa, ang pagkanlong daw niya kay Sen. Sonny Trillanes sa Senado para hindi siya maaresto. Bagaman ‘di siya masyadong nabatikos ukol dito.
May nagsampa rin ng kasong inciting to sedition kay Trillanes. Pinagbatayan ng ka-mistah niyang si Labor Undersecretary Jacinto Paras ang interview kay Trillanes nitong Sept. 4 na malinaw na inudyukan daw ng senador ang military na ilaglag ang Pangulo natin.
Sabi pa ni Paras, he maligned the President by calling him insane, incompetent at kung anu-ano pa. Through this, nae-encourage daw niya ang mga sundalo na mawala ang tiwala sa Pangulo at i-withdraw ang support sa kanilang Commander-in-Chief.
Ganern?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending