Ang mahiwagang Road Board at road users tax
KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito ng mga tao sa gobyerno, lalo nang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ang Kongreso mismo ang unang nagpadala ng panukala upang ma-dissolve na ang Road Board at ang panukalang ito ay ipinadala sa Senado na mabilis na in-adopt ng mga senador.
Laking gulat na lamang ng Senado nang biglang nagpadala ang Kamara ng isang retraction ng panukala at nais nilang ibalik muli ang Road Board.
Ayaw ng Senadong i-retract ito dahil tapos nila itong gawin, at iginiit na dapat itong mabuwag dahil pinagmumulan ito ng “buriki” sa kaban ng bayan.
Ang “buriki” ay isang tubo na tinutuhog sa sako ng palay para simutin ang laman nito nang hindi alam ng may-ari ng mga sako ng palay.
Ang Road Board naman ang kinatawan na siyang nangangasiwa ng perang nalilikom sa kinokolektang “Road Users Tax” tuwing magrerehistro tayo ng ating mga sasakyan. Noong 2014 ay umabot sa P10 bilyon ang nakolektang road users tax para sa Road Board.
Ang naging problema sa board, lalo na sa secretariat nito na itinalaga ng nakaraang administrasyon, ay naging sila ang may control sa perang hinahawakan lang dapat nila.
Imbes na tagahawak lang sila ng pera, sila na ngayon ang gumagawa ng proyekto, nagre-rebyu ng mga ito at nag-aapruba rin.
Wala ring “oversight body” o nangangasiwa sa Road Board. Ibig sabihin, sila lang ang gumagawa kung ano man ang gustuhin nila.
Ito ang isyu ng Senado sa ginagawang pag-atras ng Kamara, ang pinupuntahan ng pondo ng Road Board, ang mga proyektong sinusuportahan nila at kung papaano ito ginagastos.
Napakaraming ulat na kasi ng mga ghost projects ng Road Board na umaabot sa Malacanan at Senado na nais ng mga pinuno natin alamin kung ano ba ang mga ito.
Nais na rin ng pamunuan ng DOTr na linisin at ayusin ang paggamit ng pera mula sa “road users tax” dahil na rin sa lumalalan g sitwasyon ng trapiko sa bansa.
Sa laki ng nakokolektang buwis ng Road Board, maaari na nitong bigyan ng mas maayos na solusyon siguro ang kondisyon ng trapiko sa bansa.
Para sa komento at suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.