Jasmine mas pinili ang GMA sa ABS: Baka gulo lang ang dalhin ko doon!
NAETSAPWERA man ang entertainment shows ng TV5 dahil sa pagiging sports channel ng network, tumatanaw pa rin ng utang na loob si Jasmine Curis-Smith dahil nabigyan din siya ng magagandang shows doon na pinagbidahan niya.
At heto ngayon, nasa Kapuso Network na si Jasmine at kabilang sa cast ng family dramedy na Pamilya Roces. Pero ayon sa pahayag niya, pinag-isipan din niyang mabuti kung saang network lilipat.
“Parang nag-lean ako towards GMA. I don’t know!” rason ni Jas.
Dahil ba nandoon na sa ABS-CBN ang sister niyang si Anne Curtis?
“Maybe! I don’t know. Baka gulo lang ang dalhin ko doon! Ha! Ha! Ha!” biro niya.
“In all honesty, parang siguro, mas bumabagay lang ako sa culture ng GMA ngayon. Kung paano ako ngayon, alam ko na mas magiging magaan ako and ‘yung pagbalik ko sa TV kapag sa GMA ako.
“I am not saying na kapag sa ABS ako, magiging mabigat. I just feel like ‘yung challenges sa GMA will be more…ano ba? Mas kaya kong lagpasan ang challenges dito.
“Parang mas more pressure. Parang mas may competition sa people from other network. But that’s not to say, that’s the network. It’s the people and hindi ko pa kaya ‘yung pressure na ‘yon!
“Kasi it’s work, business. There will always be competition! In GMA, there’s competition but I feel like mas quiet lang ako dito. Mas puwede akong bago, mas puwede akong makalaro!” paliwanag ni Jasmine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.