Tapat si mister, taksil si Misis! | Bandera

Tapat si mister, taksil si Misis!

Susan K - October 03, 2018 - 12:10 AM

NAGPADALA ng e-mail sa Bantay OCW ang OFW natin mula sa Saudi Arabia na may inisyal na S.A.B.

Sampung taon na sa Saudi si SAB. Plain housewife anya ang kaniyang misis at nakatutok na lamang sa apat nilang mga anak.

Dalawang high school at dalawa naman ang nasa college. Sa loob ng 10 taong pag-aabroad niya, naging tapat siya sa asawa at buhos ang buong panahon nito sa paghahanap-buhay.

Kapag may pagkakataon, suma-sideline pa anya siya para may ekstra pang maipadala kay misis. Lahat ng kinikita niya sa abroad pinadadala nito sa asawa.

Buong-buo rin ang tiwala niya rito kung kaya’t hindi naman niya hinihi-ngian ng kuwenta kung anu-ano ang mga pinagkakagastusan ng asawa.

Hanggang nitong mga nakalipas na dalawang linggo, may natanggap siyang mga video na
ipinakikita ang asawa niya na may kasamang lalaki.

May mga text message na nagsasabing niloloko siya ni misis at marami na ang nakakakita rito na nakikipagtagpo ito sa naturang lalaki kung saan-saan.

Ayaw paniwalaan ito ni SAB. Para sa kaniya, hindi siya kayang lokohin ng asawa at tapat din anya ito sa kanya.

Pero paano nga namang magsisinungaling ang video? May mga petsa at oras iyon kung kaya’t nang tanungin niya ang asawa kung nasaan ito nung mga araw at oras na iyon, palagi namang may sagot si misis. Kung saan-saan ang mga alibi nito.

Doon nga napagtanto ni SAB na nagsisinunga-ling ang asawa niya. Hindi niya ito kinumpronta agad. Nag-isip siya! Ayaw niyang masira ang kaniyang pamilya. Ayaw niyang mabulabog ang pag-aaral ng kaniyang mga anak.

Mataas ang kaniyang pangarap para sa mga bata — ang makatapos anya ng kanilang pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan. Kasama rin doon ang hangaring makapag-retiro kasama si misis sa kanilang farm. Gusto niya sana ng simple ngunit masayang buhay sa kanilang pagtanda.

Matapos nitong madiskubre at makumpirmang niloloko nga siya ng asawa, alam niyang hindi na matutupad ang lahat ng kaniyang mga pina-ngarap.

Kaya’t ipinadala niya sa Bantay OCW ang kuwento niya at sinabing hindi pa alam ng misis niya na alam na niya ang lahat.

Hindi na siya makikisama sa kaniyang misis. Hihiwalayan na niya ito. At igagapang na lamang niyang makatapos ang kanilang mga anak, dahil mga adult na rin ang mga iyon at sa di-kalaunan, maaaring magkaroon na rin ng kanilang sariling mga pamilya.

Pagtatapat ni SAB, halos hindi niya kayanin ang sakit na nararamdaman dulot ng pagtataksil ni misis.

Hangad niya na huwag sana siyang panghinaan ng loob at patuloy na harapin ang masakit na hamon ng buhay.

Kung babaero at
nagloloko raw sana siya, sabi ni SAB baka madali niya itong mapatawad at patuloy pang pakikisamahan. Pero hindi niya sinuklian ang katapatan ni SAB at wasak na tahanan ang pagtatapos nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending