Polong planong mag-Speaker | Bandera

Polong planong mag-Speaker

Leifbilly Begas - October 03, 2018 - 12:10 AM

LALONG gumanda ang susunod na Kongreso (18th Congress) sa pagtakbo ni dating Davao City Vice Mayor at presidential son Paolo ‘Polong’ Duterte sa pagkakongresista.

Siya ay napaulat na tatakbo sa pagkakongresista ng unang distrito ng Davao City na puwesto ngayon ni House committee on appropriations chairman Karlo Nograles.

Last term na si Nograles, anak ni dating House Speaker Prospero Nograles, na napipisil na tumakbo sa pagkasenador.

Ang akala ng marami ay si Cong. Karlo ay papalitan ng kanyang kapatid na si Rep. Koko Nograles, ang second nominee ng PBA partylist.

Pero kung tatakbo si ex-VM Duterte parang malabo na tapatan siya ni Rep. Koko. Ang dalawa ay magkamag-anak.

Ang bulong-bulungan tuloy ngayon, may plano ba si ex-VM Duterte na mag-Speaker?

Last term na si Speaker Gloria Macapagal Arroyo na inaasahang papalitan ng kanyang anak na si dating Pampanga Rep. Juan Miguel ‘Mikey’ Arroyo.

Kaya ngayon pa lamang ay inaantabayanan na kung sino ang maging susunod na speaker.

Pwede umano na makabalik si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang speaker kung mananalo siya sa inaasahang mabigat na laban sa kanyang distrito.

Lumutang na rin ang pangalan ni dating Vice President Jejomar Binay na tatakbo sa unang distrito ng Makati City na inuokupa ngayon ni Rep. Monsour del Rosario.

Sa paglabas ng pangalan ni ex-VM Polong may mga nag-iisip kung siya ay magiging speaker sa huling tatlong taon ng kanyang tatay sa Malacanang.

O baka naman magsilbi lamang siyang “kingmaker.” Siya ang magtuturo kung sino ang magiging susunod na speaker.

Kahapon ay tumaas na naman ang presyo ng produktong petrolyo. Naglalaro na sa P60 na ang kada litro ng gasolina. May mga gasolinahan naman na nasa P50 na ang kada litro ng diesel.

Maagang nagising si manong driver para makapagpakarga. Hindi naman kasya ang pera sa bulsa para makapagpa-full tank kaya kung magkano lang ang abutin. Hindi rin pwedeng ibayad ang barya dahil mawawalan ng panukli.

Sa pagtataas ng presyo ng petrolyo, paano daw masasabi na liliit ang inflation rate?

Kung dati masakit sa kamay magbitbit ng mga pinamili mo sa palengke na nagkakahalaga ng P500.

Ngayon yung P500 mo ay ilang piraso na lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang naglalakad pauwi ay nag-iisip ka pa kung paano mapagkakasya ang mga nabili mo dahil ubos na ang budget matapos magbayad ng utang sa tindahan at malayo pa ang susunod na suweldo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending