Dapat ikulong mga magulang ng batang criminal | Bandera

Dapat ikulong mga magulang ng batang criminal

Jake Maderazo - October 02, 2018 - 12:15 AM

BINUGBOG ng batikos si Senate President Tito Sotto sa panukala niyang ibaba sa edad na 13 mula sa kasalukang 15 anyos ang “age of criminal responsibility” dahil sa aniya’y nagbabagong panahon at international standards.
Binanatan siya ng UNICEF maging ng Child Rights International Network (CRIN) at ng isang pari sa Catholic Bishops Conference of the Phlippines.
Noong nakaraang taon, si Sen. Chiz Escudero ay naupakan din sa kanyang panukala na ibaba ito sa siyam na taon.
Lumitaw sa March 2017 survey ng Pulse Asia na 55 percent ng respondents ay nais manatili ito sa 15 years old, samantalang 20 percent ang pabor na ibaba sa 12 years old at 9 percent lamang ang sa 9 years old.
Ayon sa statistics ng PNP, 26,907 “children in conflict with the law
(CICL)” ang sumuko sa Oplan Double Barrel/Tokhang noong April 2016. Karamihan dito ay mga kabataang lalak na ang edad ay 14 pababa.
Nitong June 2018, na-rescue nila ang 1,155
CICL sa kanilang mga operasyon.
Pero, talaga bang dapat ibaba ito sa 13 years old? O sapat na ang kasalukuyang 15 anyos?
Sa South America na pareho nating talamak sa droga at malakas ang impluwensya ng Simbahang Katolika, mataas ang kanilang standard sa 18 years old. Ito ang umiiral sa Brazil, Chile, Ecuador, El Salvador, Guatemala, Nicaragua at Chile.
Ang Mexico kung saan nagmula ang Sinaloa cartel at matitinding krimen ang nangyayari, ibinaba na ang age of criminal responsibility sa 12 anyos. Maging ang Colombia na pugad ng Medellin at Cali cartels, ay ibinaba sa 14 samantalang nasa 16 sa Argentina.
Dito sa mga kapitbahay natin, Indonesia ay 8; Malaysia, 10; Thailand, 7; Myanmar, 7; Singapore, 7; Hong Kong, 10; Macau, 12; Sri Lanka, 12; Cambodia, 14; Vietnam, 14; Japan, 14; Korea, 14; China, 14; Laos, 15. Habang sa India naman ay 7; samantalang sa mga progresibong bansa gaya ng Canada ay 12; United Kingdom, 10; Australia, 10; New Zealand, 10; Ireland, 12; Belgium, 12; at Netherlands, 12. Pare-parehong tig-14 years old naman ang mga bansang Germany, Italy, Spain at nag-iisa ang France sa pananatili ng edad 18.
Sa mismong Amerika, walang “minimum age of criminal responsibility” sa 33 estado. Doon sa mga estadong mayroon, ang pinakamataas ay 10 years old sa Wisconsin at ang pinakamababa ay North Carolina, 7.
Sa buong mundo, 11 bansa ang kapareho natin na 15 years old, Bahrain at Iran sa Middle East, Somaliland at Burundi sa Africa, Poland,Czech Republic, Norway, Sweden, Denmark, Finland, at Iceland sa Europa.
Kung pag-aaralan ang sinasabi ni Sotto, totoong mababa na nga tayo sa international standards, hindi lamang dito sa Asya, kundi maging sa buong mundo.
Ako’y pabor na gawing 13 ang “age of criminal responsibility” sa bansa dahill sa talamak na problema ng droga at nakawan. Pero, ito’y may kasamang dalawang kundisyon. Una, dapat ay magtayo ng mas maraming Juvenile Justice Care Centers tulad ng Bahay Pag-asa sa lahat ng bayan kung saan idedetine at irereporma ang mga batang criminal.
Ikalawang pinakamahalagang amyenda sa RA 9344, para sa akin ay ikulong at pagdusahin ang mismong mga magulang ng mga “batang hamog”, “sukharap” na naging kriminal dahil sa kanilang kapabayaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending