True ba ang chika, Beth Tamayo binitay daw sa Amerika dahil sa droga? | Bandera

True ba ang chika, Beth Tamayo binitay daw sa Amerika dahil sa droga?

Cristy Fermin - October 01, 2018 - 12:20 AM


SAAN kaya nanggagaling ang kuwentong binitay raw sa Amerika ang magandang aktres na si Beth Tamayo dahil sa droga? Ayaw mamatay-matay ng isyu, kailan lang ay tinanong na naman kami ng anak-anakan naming si Randy Balaguer kung gaano katotoo ang balita, nasilya-elektrika raw si Beth Tamayo dahil sa pagbibiyahe ng droga.

Hindi lang basta user ng ipinagbabawal na gamot ang idinidikit na istorya kay Beth, courier pa raw siya, kaya kahit ang mga Pinoy sa Amerika ay nagtatanungan kung gaano kaberepikado ang kuwento.

Nu’ng mamatay ang kanyang pinsan na si Zaldy Feleciano, kapatid ng dancer-choreographer na si Mel, ay naging paksa namin sa lamay si Beth Tamayo.

Malapit siya sa pamilya ng namatay, alam ng mga ito ang kanyang sitwasyon sa Amerika, walang katotohanan ang kumakalat na balitang binitay siya dahil sa pagkakasangkot sa droga.

At kailan lang ay may nagkuwento pa sa amin na bumalik ng bansa ang magandang aktres, kay Judy Ann Santos siya tumira, dahil magkaibigang karnal ang dalawa.

Maayos na ang buhay ni Beth Tamayo sa Amerika, mula sa pag-aalaga ng mga maysakit ay isang malaking kumpanya na ang pinagtatrabahuhan niya ngayon, siguradong isang araw ay sosorpresahin na lang tayo ng aktres sa kanyang pag-uwi dito for good.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending