Maymay waging Beautiful Star of the Night sa ABS-CBN Ball; Angelica, Carlo itinanghal na Couple of the Night

By Ervin Santiago September 30,2018
share this

Maymay waging Beautiful Star of the Night sa ABS-CBN Ball; Angelica, Carlo itinanghal na Couple of the Night

By Ervin Santiago September 30,2018
share this

TINALBUGAN ni PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata ang lahat ng young stars at mga Kapamilya leading leading lady sa katatapos lang na 2018 ABS-CBN Ball.

Si Maymay kasi ang nakakuha ng Belo Beautiful Star of the Night award na rumampa sa red carpet suot ang bonggang pink Fern One creation with matching feathers. She was escorted of course by Edward Barber with a Francis Libiran suite.

Sina Erich Gonzales at Jericho Rosales naman ang nagwaging Best Dressed Female at Best Dressed Male habang tinanghal namang Couple of the Night sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban fresh from the box-office success of their hugot movie “Exes Baggage”.

Sa naganap na ABS-CBN Ball nga nagtipon-tipon ang higit sa 300 pinakamalalaking bituin sa bansa para ipagdiwang ang pagkakaibigan at ilunsad ang isang makabuluhang kampanya ng Kapamilya Network na idinaos sa Makati Shangri-La noong Sabado ng gabi.

Kasabay ng pagrampa ng mga paborito n’yong celebrities ay ang paglulunsad ng adbokasiyang tutulong sa muling pagbubukas ng Bantay Bata 163 Children’s Village.

Pinangunahan ito ni Vice Ganda na naglalayong makatulong sa pangangalaga ng mga batang dumanas ng pang-aabuso o kapabayaan sa pamamagitan. Sa Children’s Village sa Norzagaray, Bulacan, mabibigyan ng agarang kalinga ang mga bata at tutulungan silang gumaling at makabangon ang mga bata mula sa kanilang madilim na karanasan sa pamamagitan ng pisikal at psychological na pangangalaga.

Nagsanib-pwersa naman sina KZ Tandingan, Janine Berdin at Yeng Constantino sa paghandog ng sarili nilang mga bersyon ng hits ni Aretha Franklin, samantalang naghandog ng inspirasyon sina Martin Nievera, Jona at John Arcilla sa medley nila ng “Can You Feel The Love Tonight,” “Not While I’m Around,” at “You Raise Me Up.”

Binuksan naman nina Daniel Padilla at Gary Valenciano ang programa sa awiting “Girl From Ipanema/LOVE,” habang pinaindak naman nina Inigo Pascual at Billy Crawford hanggang sa dulo ang mga attendee sa kanilang performance ng “Girls Like You.”

Ang ABS-CBN Ball ay pinangunahan ng host na si Boy Abunda, at dinaluhan ng pinakamalalaking stars ng ABS-CBN gaya nina Judy Ann Santos-Agoncillo, Angel Locsin, Coco Martin, Vice Ganda, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Kim Chiu, Erich Gonzales, Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria, Maja Salvador, Jericho Rosales, Angelica Panganiban at Piolo Pascual, at pinakamaiinit na love teams gaya nina Nadine Lustre at James Reid, Maymay Entrata at Edward Barber, Kisses Delavin at Donny Pangilinan, Julia Barretto at Joshua Garcia, Liza Soberano at Enrique Gil, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Dumalo rin sa event ang beauty queens na sina Catriona Gray, Pia Wurtzbach, Kylie Verzosa, Nicole Cordoves, at Ariella Arida.

Nakisaya rin sa pagdiriwang ang ABS-CBN executives kabilang na ang chairman emeritus ng kumpanya na si Gabby Lopez, chairman na si Mark Lopez, president at CEO na si Carlo Katigbak, chief content officer na si Charo Santos-Concio, COO for broadcast na si Cory Vidanes, Freddie Garcia, at Star Magic head Mariole Alberto at chairman emeritus Johnny Manahan.

Nakibahagi naman ang Kapamilya fans mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa kanilang all-out na pagsuporta at pag-post tungkol sa selebrasyon kaya naman umangat sa worldwide trending topics ng Twitter ang official hashtag ng okasyon na #ABSCBNBall2018.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending