2 female celeb parehong inggitera, plastikada | Bandera

2 female celeb parehong inggitera, plastikada

Ambet Nabus |September 30,2018
facebook
share this

2 female celeb parehong inggitera, plastikada

Ambet Nabus - September 30, 2018 - 01:05 AM

NAKAKALOKA mga emote ang dalawang kilalang babaeng personalidad na magkasama sa isang show.

Dati pa silang natsitsismis na nagkakainggitan lalo na sa panig ni aktres-TV host A na ultimo ang pagiging “flawless” ni aktres-TV host B ay big deal sa kanya.

Inggit naman umano si aktres-TV host B dahil merong steady lovelife si aktres-TV host A.

Akala ng marami ay good friends na sila lalo pa’t nasa isang TV network na sila at magkasama pa sa isang show pero baon-baon pa rin pala ng dalawa ang “inggit” sa kanilang mga katawan.

One time nga raw sa taping nila ay hindi napigilan ng dalawang female celebrity na mag-okrayan over a beauty brand.

Talaga raw mga kalait-lait na salita ang ipinukol ng bawat isa using a third person kuno, pero sa mga taong nakakakilala sa kanila ay mainit na parunggitan na ang nagaganap sa kanilang pagitan.

Dahil part naman ng show nila ang mga ganu’ng okrayan moment, nai-suggest ng production na isama na ang naturang laitan portion sa show pero parehong kumontra ang dalawa dahil sabi ng aming source, “Ayaw nilang matawag na plastik ng madlang pipol.”

Aguyyy!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending