Richard harap-harapang pinagalitan ang mga empleyado ng NHA sa Ormoc
Viral ngayon sa internet ang video ni Ormoc City Mayor Richard Gomez while inspecting a housing program para sa mga earthquake victims sa Barangay Gaas.
Sa maikling video na aming napanood ay nakita naming pinagagalitan ni Mayor Gomez ang mga taga-National Housing Authority dahil sa sub-standard na ginamit nila sa paggawa ng bahay for the victims ng lindol.
Talagang pinabilib kami ni Goma dahil wala siyang takot kung pagalitan niya ang mga NHA officials na halos lahat ay natameme. Talagang pahiyang-pahiya sila sa video. Dapat siguro kasuhan niya ang mga ‘yan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.