Show ng sexy star at kilalalang comedian sa ibang bansa nilangaw
MARAMING beses nang nagso-show sa isang malamig na bansa ang isang seksing female personality.
Nu’ng kasagsagan ng kanyang career ay palagi niyang napupuno ang venue ng kanyang mga shows.
Talagang naglalabas ng datung ang mga Pinoy sa nagyeyelong lugar, binibigyan siya ng mahalagang panahon, aliw na aliw sa kanya ang mga kababayan natin du’n.
Sabi ng isang source, “Kalalabas pa lang ng mga tickets para sa concert na siya ang poste, ubos agad, may mga naghahanap pa! Gustung-gusto siya nu’n ng mga Pinoy, kasi nga, nakakaaliw naman talaga siya.
“Pero nu’n ‘yun! Ngayon, e, iba na ang kuwento ng bentahan ng tickets kapag may show siya sa lugar na ‘yun!” simulang chika ng aming impormante.
Maraming kuwento tungkol sa sexy star, may mga pagkakataon palang meron siyang natitipuhan sa audience na dinadala niya sa hotel na tinitirhan ng buong cast, nakikipagkyondian du’n ang seksing babae.
“Okey na ‘yun, marami naman silang magkakasama, hindi naman sila makagagawa ng milagro. Ang totoong dahilan kung bakit hindi na tinatao ang mga shows niya, e, dahil wala naman siyang bagong ipinakikita!
“Kung ano ang style niya nu’ng sikat pa siya, e, ganu’n pa rin ang ginagawa niya sa stage hanggang ngayon! Kukuha siya ng mga kalalakihan sa audience, sasayawan niya kunwari, ang premyo, e, kiss niya o kaya, ididikit niya ang boobs niya sa mga lalaki!
“Walang bago! Ang ibang performers, e, nag-aaral ng mga bagong kanta, may mga bagong ipinakikita, pero ang babaeng ‘yun, waley! Kung ano ang mga ipinakikita niya nu’ng mga nakaraang shows niya, ‘yun pa rin ang ginagawa niya ngayon.
“Ang ending, super-flop ang show nila ng isa pang comedian, hindi gumalaw ang bentahan ng tickets, kakaunti lang ang nanood sa kanila. Kasi nga, kabisado na ng mga kababayan natin ang magiging takbo ng show.
“Paulit-ulit lang, sasayaw siya na kasama ang mga guys from the audience, magpapahalik siya, ilalapit niya ang boobs niya, ‘yun na ‘yun!
“Wala na siyang ibang gimik, puro ganu’n na lang, kaya nakakaawa ang mga producers ng huli nilang show, walang nanood! Hindi naglabas ng datung ang mga kababayan natin, flop ang show!
“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, todo na ang mga clue, ha? Todo na ‘to!” pagtatapos ng chikadora naming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.