Ganti ng api sa huling 2 linggo ng ‘IWALY’ nina Barbie at Derrick | Bandera

Ganti ng api sa huling 2 linggo ng ‘IWALY’ nina Barbie at Derrick

- September 28, 2018 - 12:35 AM


SA huling dalawang linggo ng Inday Will Always Love You (IWALY), babaliktad ang mundo. Ang dating nasa ibaba, nasa itaas na ngayon. Ang dating inapi, siya naman ang gaganti!

Sa pagbabalik ng nanay ni Happylou (Barbie Forteza), hindi niya na halos makilala ang ina. Tinulungan si Marta (Manilyn Reynes) ni Martina (Sunshine Dizon), para bawiin lahat ng inagaw sa kanilang pamilya ni Amanda (Gladys Reyes).

Kaya sa pagbabalik ni Marta, maibabalik na rin sa mga Fuentes ang lahat nang nawala sa kanila. Muli na silang titira sa mansyon at balik CEO na si Happylou!

Pero ang pinakamalaking pasabog, nawala na ang lahat kay Amanda at patung-patong pa ang utang niya kaya para makabayad – magiging katulong siya sa mansyon. At lahat ng ginawa niya noon kay Happylou, gagawin sa kanya ngayon ni Marta.

Mararamdaman niya kung paano naman apihin at matuturuan siya ng mahalagang leksyon. Pero sa huli, mapagtatanto rin ni Marta na hindi dapat maghari ang galit at paghihiganti sa kanyang puso.

Samantala, nagkakaigihan na nga ba sina Pabs (Ruru Madrid) at si Happylou? O si Patrick (Derrick Monasterio) pa rin ang laman ng puso ni Inday?

Wala nang bibitaw sa huling dalawang linggo ng hit romantic comedy series ng bayan, ang Inday Will Always Love You, gabi-gabi pagkatapos ng Onanay sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending