Pagpapadede ni Kylie kay Alas sa loob ng CR ‘minasama’ ng netizens
TULUY-TULOY pa rin ang pagpapadede ni Kylie Padilla sa anak nila ni Aljur Abrenica na si Baby Alas.
Maraming pumuri sa Kapuso actress matapos niyang i-post sa Instagram ang litrato niya habang nagbi-breastfeed sa anak na kuha sa loob ng isang restroom.
Nilagyan niya ito ng caption na “No plans on stopping anytime soon. #breastfeedingmama!” Pero kung may mga natuwa at pumuri kay Kylie, marami rin ang nam-bash sa kanya. Hindi raw “healthy” ang pagpapadede sa loob ng public CR.
May isang study daw na nagsasabing, “public areas, including restrooms, culture extensive bacterial contamination on all high touch surfaces, such as faucets, soap and paper dispensers and door handles.
Wala pang reaksyon si Kylie tungkol dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.