Veteran actor wala na ngang trabaho maluho pa
EH, ‘di hulaan n’yo?
Maraming buwan ding nakatengga si showbiz father until—thank God—he’ll soon be seen anew on TV.
Pero noong mga panahong wala siyang maimbag sa mga gastusin sa bahay ay nakuha pa pala nitong maglambing sa isa sa kanyang mga anak na ibili siya ng shares sa isang country club.
Sportsman kasi si daddy, pero pangmayaman lang ang kanyang nakahiligang pastime. Okey na sana kaso ang napili pa niyang lambingin ay anak na wala rin namang regular source of income. Pamilyado na rin ito, kaya uunahin pa ba naman niyang tustusan ang luho ng kanyang ama?
Sey nga ng isang taong nakakakilala sa kanilang pamilya, “Naglulumayf-style kasi sila, eh…from the head of the family down to the children!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.