Wally gaganap na misis ni Bossing sa Daddy's Gurl: Siya talaga ang pinili ko! | Bandera

Wally gaganap na misis ni Bossing sa Daddy’s Gurl: Siya talaga ang pinili ko!

Jun Nardo |September 26,2018
facebook
share this

Wally gaganap na misis ni Bossing sa Daddy’s Gurl: Siya talaga ang pinili ko!

Jun Nardo - September 26, 2018 - 04:44 AM


PERSONAL choice ni Vic Sotto si Wally Bayola para lumabas na “asawa” niya sa bago niyang sitcom na Daddy’s Gurl after ng huli niyang comedy show na Hay Bahay.

“Oo si Wally ang nasa utak naming lumabas na asawa ko. Kainitan ng Lola Dora days. Nu’ng nag-uusap kami, sabi ko, ito (Wally) ang gusto kong maging asawa!

“Kasi sanay na siya, tanggap na siya ng mga tao na hindi lang babae. Nakagawa na nga ng pelikula ang mga lola eh,” pahayag ni Vic nang makausap ng press sa TV plug shoot nila ni Maine Mendoza, Wally at Oyo Sotto.

Bakit natagalan bago siya gumawa uli ng sitcom?

“Medyo nagpahinga muna. Sabi ko, pag gagawa kami ng sitcom, ‘yung kakaiba. Kakaiba in the sense na production wise, technical wise, kasi galing ako sa sitcoms na studio eh.

“This time, on location kami pati ‘yung condo scenes, Manila scenes kasi taga-Batangas kami. we’re shooting it like a film. Ang gamit namin, cameras na ginagamit namin sa pelikula. May DOP (director of photography) kami, si Miss Lee, isa sa magaling na DOP,” rason ni Bossing.

Kumusta naman si Meng sa una niyang sitcom?

“She’s a good actress! She’s a good actress so we felt na she deserves to be mabigyan ng role sa sitcom. It’s her first sitcom. Sa pelikula, medyo pa-cute-pa-cute.

“Medyo acting-acting pero ‘yung full comedy, todo comedy, it’s a first for Maine and alam kong bago pa lang kami, sa simula, alam kong makaka-deli-ver siya!” rason ng TV host-comedian.

Paano niya madi-describe si Meng bilang komedyante?

“She’s a very good timing kung napapanood ninyo ang Barangay Jokers sa Pamilya Nunal. Doon mo makikita ang snippets ng timing, pagbitaw ng punchlines, meron siya.

“May laman siya, may dating siya. Hindi ‘yung basta binasa lang ang script o sinaulo lang ang script!” katwiran ni Bossing.

Ngayong October mapapanood ang Daddy’s Gurl mula sa direksyon ni Chris Martinez.

q q q

Super excited na rin si Maine para sa Daddy’s Gurl. Sabi ng Dubsmash Queen mas comfortable siyang gumawa ng sitcom.

“Pero tingin ko po ito, since focus po niya is comedy which is tingin ko po eh forte ko po,” kuwento ni Meng.

“Masaya kasi siyempre parang tulad nga po ng sinasabi ko hindi naman puwede na mag-stay ka lang sa isang lugar, di ba, parang kailangan mo rin talaga.

“Since nasa showbiz ka, parang kailangan mo talaga mag-explore talaga and do new things para mayroon kang mai-offer na bago sa mga sumusuporta sa ‘yo,” pahayag pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nito lang nakaraang linggo ay lumikha muli ng record si Maine at muling nag-ingay sa social media matapos ma-soldout agad ang kanyang lipstick collaboration with MAC Cosmetics sa isang sikat na shopping website makalipas lang ang isang minuto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending