Regine tuloy na ang paglipat, pinangakuan ng mga bonggang proyekto sa ABS-CBN | Bandera

Regine tuloy na ang paglipat, pinangakuan ng mga bonggang proyekto sa ABS-CBN

Cristy Fermin - September 26, 2018 - 04:44 AM


ITINUTURONG dahilan at naging impluwensiya ni Regine Velasquez sa desisyong lumipat na sa ABS-CBN ang kanyang mister na si Ogie Alcasid.

Ayon sa isang source ay nu’ng Enero pa pala pinagpaplanuhan ang pagkabilang-bakod ng magaling na singer, pero meron pa siyang kontrata sa GMA 7, kaya kinailangan pa nilang maghintay.

Nakapagpaalam na si Regine sa mga ehekutibo ng Siyete, walang naging problema sa kanyang pagsasabi, may kakambal na respeto ang kanilang paghihiwalay.

Sa punto namang ang naging malaking impluwensiya niya sa paglipat ay ang kanyang asawa, natural lang na sa kanilang bahay ay napagkukuwentuhan ng mag-asawa ang takbo ng kani-kanilang career, pinagkukumpara siguro nila ang mga oportunidad na ibinibigay sa kanila ng kani-kanyang network.

Du’n na nga siguro pumasok ang ideya na magtrabaho naman sa ibang istasyon ang Asia’s Songbird, wala namang masama du’n, lalo na kung tapos na ang kanyang kontrata sa GMA 7.

Ayon kay Regine ay marami pa siyang gustong gawin, pero hindi niya ‘yun magawa sa kanyang istasyon, maaaring pinangakuan siya ng mga shows na gusto niya ng mga tagapamuno ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending