Mag-utol nagkakagirian dahil sa pulitika | Bandera

Mag-utol nagkakagirian dahil sa pulitika

Den Macaranas - September 26, 2018 - 12:10 AM

HABANG papalapit ang halalan ay patindi nang patindi ang sibling rivalry sa pagitan ng dalawang sikat na pulitiko sa bansa.

Si Mister Politician number 1 ay incumbent na mambabatas samantalang ang kanyang utol na si Mister Politician number 2 ay gustong balikan ang kanyang dating pwesto sa gobyerno.

Noon pa man ay nasabi na ni Mr. Politician No. 2 na gusto niya uling kunin ang dating posisyon para linisin ang kanyang pangalan na narumihan dahil sa isyu ng katiwalian.

Pero walang balak na mag-give way si Mr. Politician No.1 dahil sa kanyang katwiran na marami pa siyang proyekto na dapat tapusin kaya kailangan niya ang bagong mandato sa darating na halalan.

Sa puntong ito ay gumawa ng paraan si Mr. Politician No.2 dahil hindi nga naman pwedeng silang mag-utol ay sabay na tumakbo sa iisang pwesto.

Tiyak na mahahati ang kanilang boto at malamang na sa kangkungan pa sila pulutin pareho.

Gumamit nang konting gulang si Mr. Politician No. 2 kaya siya dumikit at nakakuha naman ng paunang suporta sa paboritong anak ng pangulo na si Mayor Sara Duterte.

Kaya sa nakaraang political survey ay pasok sa top 10 si Mr. Politician No.2, samantalang nasa malayong pwesto ang incumbent niyang utol.

Pati ang kanilang ama na isa ring pulitiko ay aminadong sumasakit ang ulo sa patutsadahan ng kanyang dalawang anak.
na nag-aagawan sa pwesto.

Hindi siya pwedeng maghayag publicly kung sino sa dalawa ang kanyang kakampihan dahil tiyak na malaking gulo at tampuhan ang magaganap.

Maliban dyan ay mabigat rin ang laban na papasukin ng kanilang ama na tatakbo ulit bilang isang local executive.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mag-utol na nagpapataasan ng pride at parehong ayaw mag-give way sa isa’t isa ay sina Mr. J at Mr. J as in Joke Joke.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending