Baltazar nahirang na UAAP Player of the Week

By Angelito Oredo September 24,2018
share this

Baltazar nahirang na UAAP Player of the Week

By Angelito Oredo September 24,2018
share this


SAPAT na ang dalawang taon na paghihintay para kay Justin Baltazar bago mailabas ng todo ang kanyang husay.

Hindi masyado napapansin sa unang dalawang taon sa De La Salle University ang 6-foot-7 big man na si Baltazar dahil kay Cameroonian slotman Ben Mbala kaya naman limitado rin ang kanyang oras.

Hinog na sa paglalaro sa pagkawala ni Mbala kaya dumating na ang oras ni Baltazar upang makuha ang playing time at mailabas ang tunay na laro.

Naging bayani ang dating Juniors Finals MVP na si Baltazar sa unang panalo ng La Salle sa Season 81 at nagtuloy ang kanyang magandang laro para makuha naman ng Green Archers ang magkasunod na panalo.

Kumana si Baltazar ng double-double na 17 puntos at 12 rebound sa panalo ng Taft-based squad kontra National University noong Miyerkules.

Tumikada ng baseline jumper si Baltazar upang ibigay sa Green Archers ang 78-76 kalamangan may 28 segundo na lang sa orasan at dahilan para bulagain ang Bulldogs.

Makalipas ang apat na araw, bumira si Baltazar ng 16 markers, 14 boards at tatlong blocks upang akbayan ang La Salle sa 82-72 panalo kontra University of the East.

Dahil sa ipinakitang performance nahirang siyang Chooks-to-Go/UAAP Press Corps Player of the Week.

“Trabaho lang kami sa training at tsaka sa game,” sabi ni Baltazar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending