Bong 4 taon nang nakakulong, sa Crame uli magbe-b-day | Bandera

Bong 4 taon nang nakakulong, sa Crame uli magbe-b-day

Cristy Fermin |September 25,2018
facebook
share this

Bong 4 taon nang nakakulong, sa Crame uli magbe-b-day

Cristy Fermin - September 25, 2018 - 06:17 AM


KAARAWAN ngayon ni Senador Bong Revilla. Apat na taon na siyang nasa piitan ngayon. Hindi nagtagumpay ang kanyang mga tagasuporta sa kanilang hiling na sana’y magdiwang ng kaarawan ang mahal nilang senador sa taong ito sa buhay na malaya na.

Siya pa rin ang dadalawin ng buo niyang pamilya, ng kanyang mga kapatid at kaibigan sa PNP Custodial Center, sa halip na nasa labas na siya.

Si Senador Bong na lang ang naiiwan sa tatlong kinasuhang senador tungkol sa mga inimbentong senaryo ni Benhur Luy tungkol sa PDAF scam.

Mabagal ang pag-usad ng imbestigasyon ng kanyang kaso, samantalang mismong mga saksi na ang madiing nagpapatunay na wala siyang kinalaman o anumang partisipasyon sa kasong ibinibintang laban sa kanya.

Ang mga witness na mismo ang nagsasabing si Benhur Luy lang ang nakita ng mga itong pumipirma ng mga dokumentong para sa mga LGU, minsan man ay hindi nila nakita ang senador na may pinipirmahang anuman, pero siya pa rin ang diin na diin sa asunto.

Dasal ng kanyang mga nagmamahal na tagasuporta na kung hindi man ngayong kaarawan niya naganap ang paglaya ng aktor-pulitiko, sana naman ay makapagdiwang na siya ng Pasko sa piling ng kanyang pamilya, mga kaibigan at mga tapat na nagmamahal sa kanya.

Maligayang kaarawan, Senador Bong Revilla, konting-konting tiis na lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending